Ryan Agoncillo stays clear of Juday-Direk Joyce silent war

IMAGE 0


Ryan Agoncillo stays away from the rift between his girlfriend Judy Ann Santos (inset, right) and director Joyce Bernal (inset, left) to avoid possibly hurting any of them. He takes a wait-and-see attitude.



Hangga't maaari ay ayaw na sanang makialam ni Ryan Agoncillo sa naging hidwaan ng kanyang girlfriend na si Judy Ann Santos at direktor Joyce Bernal.



Ayon kay Ryan, away raw ng mga babae ‘yan kaya hindi siya dapat makialam in any way. Baka raw kasi mabigyan iyon ng hindi magandang kahulugan.



"Sa mga ganyang situwasyon, I would rather stay away from it or not get involved," sabi ni Ryan. "Mahirap nang may masabi ka because it might hurt one of them. It's better na ganito na lang and see what happens. Anyway, sila naman ang involved diyan at hindi ako."



Aware si Ryan sa naging tampuhan ng dalawa at aminado si Ryan na naging close din sa kanya si Direk Joyce. Wala naman daw silang problema ni Direk Joyce.

Matatandaang nagsimula ang silent war nina Juday at Direk Joyce nang ginagawa nila ang pelikulang Don't Give Up On Us sa Star Cinema, kung saan katambal ng young actress si Piolo Pascual. Nag-request diumano si Juday na ipatanggal ang kissing scenes nila ni Piolo sa pelikula dahil gusto niyang protektahan ang relasyon nila ni Ryan, na noo'y nagsisimula pa lang.

Pumayag naman daw ang Star Cinema sa kahilingang ito ni Juday, pati na ang request ng young actress na huwag na itong ipaalam sa mga fans nila ni Piolo. Pero laking gulat ni Juday nang malaman ng Juday-Piolo fans na tatanggalin ang kissing scenes nila sa pelikula. Sa pag-iimbestiga ni Juday ay nalaman niyang si Direk Joyce ang nagsabi sa mga fans tungkol dito. Mula noon ay hindi na nag-usap ang dalawa at hindi na nagkatrabaho muli.

Sa isang panayam kay Juday ay sinabi niyang hindi pa siya handang makipag-ayos kay Direk Joyce, na ngayon ay nasa Kapuso Network na at siyang direktor ng Marimar.

As for Ryan, hindi naman daw ibig sabihin na kung kaaway na ni Juday ang isang tao ay magiging kaaway na rin niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta naman kaibigan ni Juday, kaibigan ko na rin," sabi ni Ryan. "But it doesn't necessarily mean na kapag may nakatampuhan si Juday, may tampo na rin ako. Kapag bumati ka naman sa akin, babatiin din kita. Kapag hindi mo ako pinansin, gano'un din ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN