Nineties hunk Anton Bernardo makes showbiz comeback

IMAGE 0


Anton Bernardo used to be one of the hunks in the '90s who swept his gay fans into fantasy land. When the popularity of sexy movies started to fade, he left for Japan and searched for greener pastures.


Nagbabalik-showbiz ang sexy actor na si Anton Bernardo, pagkatapos nitong manirahan at magtrabaho sa Japan ng mahigit dalawang taon.

Nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Anton sa victory party ni Direk Maryo J. delos Reyes para sa mga alaga niyang nanalo nitong nakaraang eleksiyon na sina Isko Moreno (as vice mayor of Manila) and Yul Servo (bilang councilor ng Manila District 3).

Gano'n pa rin kakulit sa chikahan si Anton, tila walang nagbago kahit pa sampung taon na ang lumipas magmula noong namayagpag siya bilang isa sa mga pinakasikat na sexy actors na parating cover ng Chika-Chika at Hot Copy sexy magazines noong 1990s. Talaga namang pinagpiyestahan at pinagpantasyahan siya noon ng mga kabadingan!

Hanggang ngayon ay oozing with sex appeal pa rin si Anton na walang preno sa pag-chika ng naging buhay niya sa Japan. Aniya, sa isang sikat na bar sa Nagoya, Japan siya nagtrabaho bilang hosto/ singer/ entertainer, at ipinakita pa nito ang isang wallet size photo niya kasama ang dating actors rin na sina Leandro Baldemor (sexy actor na kasabayan niya nung '90s), Justin Cuyugan (nalunsad noon sa ABS-CBN Star Circle), Toffee Calma, at Gerald Madrid.

"Na-realize ko ang hirap ng buhay sa Pilipinas nung time na 'yon kaya ako umalis para magtrabaho," pagbabalik-tanaw ni Anton.

Dagdag pa niya, "Ayokong makita ang sarili ko na after showbiz, eh, makikita ka na lang ng tao na naninirahan sa ilalim ng tulay."

Sa ngayon, marami-rami na rin siyang naipudar para sa sarili niya't pamilya. Nakapagpatayo na ito ng isang bahay sa Greenwoods, Pasig.

Hiwalay sa asawa ang dating male sex symbol, at may dalawang anak na babae—yung panganay ay 11 years old at yung bunso ay 8 years old. Proud na proud siya na ipinakita rin ang picture (sa dala nitong digicam) ng kanyang panganay na naging sagala sa isang Santacruzan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-miss ko ang showbiz. Ang sarap bumalik sa pag-arte!" say ni Anton na nagbabalik rin sa poder ng manager niyang si Direk Maryo J.

For a backgrounder, sumikat si Anton Bernardo noong '90s at lumabas sa maraming sexy movies ng Seiko Films na pawang mga blockbusters. Nakapareha niya ang Seiko jewels pa noon na sina Rosanna Roces at Priscilla Almeda.

Matapos mag-expire ang Seiko contract ni Anton, isinabak siya as a sexy dramatic actor via Paraiso Ni Efren, kung saan walang takot itong nag-"full frontal nudity" sa pelikula na hindi na-cut sa regular showing nito, huh!Nakasama rin si Anton sa Gusto Ko Nang Lumigaya ni Pops Fernandez, na tulad ng Paraiso ni Efren ay idinerehe rin ni Maryo J.

Aliw ang dialogue ni Anton na madali na raw pala maging artista ngayon sa 'Pinas dahil sa pagbulusok ng Pinoy Big Brother sa industriya. Noong panahon daw niya ay wala silang TV shows, puro sa big screen lang sila inaabangan ng mga tao.

"Nakakagulat dahil parang ang dali nang maging artista ngayon dito sa 'Pinas! Para bang...para maging artista ka, dapat dumaan ka muna sa mga contest sa TV tulad nung PBB!"

Say naman ni Direk Maryo sa PEP, he's still hopeful na makakabalik si Anton sa showbiz, bilang isang magaling na character actor. May cameo role daw ito sa Impostora, drama series ng GMA 7 starring Sunshine Dizon and Iza Calzado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN