Jopay Paguia stays out of boyfriend Joshua Zamora's annulment case

IMAGE 0


"Ayoko namang isipin na ginagawa niya ‘yon para lang sa akin. Gawin niya ‘yon para sa sarili niya at sa mga anak niya," says Jopay Paguia about the annulment case between her boyfriend Joshua Zamora and his estranged wife.



Nagulat ang SexBomb member na si Jopay Paguia dahil sa balitang tinatawag na raw siyang "Mommy" ng mga anak ng boyfriend niyang si Joshua Zamora, miyembro ng dance group na Maneouvres.



May nakarinig daw na mga tao na tinawag siyang "Mommy" ng isang anak ni Joshua nang minsang mamasyal sila sa isang mall. Pero pinabulaanan ito ni Jopay.

"Wala naman yatang ganung tawag sa akin," sabi ni Jopay sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong season ng Daisy Siete, ang "Tabachingching."

"Ang tawag sa akin ng mga anak ni Joshua ay ‘Tita' o minsan naman ay ‘Jopay.' May mommy naman sila kaya nakakahiya naman."



Hindi naman itinanggi ni Jopay na inaasikaso na raw ni Joshua ang annulment ng kasal nito sa asawang matagal nang hiwalay sa kanya. Desisyon daw iyon ni Joshua at wala raw siyang kinalaman sa pagpa-file nito ng annulment.



"Si Joshua pa ang nagsabi sa akin na inaasikaso na niya ang annulment niya. Sabi ko naman sa kanya, kung sigurado siya sa gagawin niya, ituloy niya. Kung nagdadalawang-isip siya, huwag niya munang ituloy.



"Ayoko namang isipin na ginagawa niya ‘yon para lang sa akin. Gawin niya ‘yon para sa sarili niya at sa mga anak niya. Nasa kanya naman ‘yon, e. Lahat naman ng nagiging desisyon ni Joshua, sa kanya lahat. Wala akong alam minsan sa mga ginagawa niya, lalo na when it comes sa pamilya niya."



Kung sakaling mabilis ang pagpapa-annul ng kasal ni Joshua at biglang mag-propose sa kanya ng kasal, tatanggapin ba ni Jopay?



"Ay, bakit hindi?" sabay tawa ni Jopay. "Pero pag-iisipan ko muna talaga ‘yan. Alam n'yo naman na ako ang breadwinner sa pamilya namin at marami pa akong inaayos sa buhay namin. Hindi sa ayoko pang mag-asawa, pero may tamang panahon para diyan, e.



"Sa ngayon, okay naman kami ni Joshua sa ganitong arrangement. Walang problema sa amin ngayon. Maganda ang pakitungo niya sa family ko at ako naman, okay ako sa mga anak niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pinabulaanan din ni Jopay na nagli-live-in na sila ni Joshua. May nakakita kasing bumibili sila ng mga gamit para sa bahay sa isang mall.

"Hindi para sa amin ‘yon," paglilinaw ng dancer. "Sinamahan lang namin ni Joshua ‘yung mga pamangkin niya na namimili ng mga gamit sa bahay nila. Sumama lang naman ako.



"Hindi kami live-in ni Joshua dahil ayaw ko rin ng ganun. Hindi payag ang family ko sa ganyan. Sure ako na hindi rin gusto ‘yan ni Joshua kasi nakakahiya sa mga anak niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN