Shaina Magdayao's Valentine gift from Rayver Cruz gone to dog heaven

IMAGE 0


This photo taken last February shows Shaina Magdayao and Rayver Cruz holding Rain, the chihuahua that Rayver gave her as a Valentine's Day gift. The dog, unfortunately, died recently.



Matatandaang last February ay niregaluhan ni Rayver Cruz ng isang mamahaling chihuahua ang kanyang nililigawan na si Shaina Magdayao bilang Valentine's Day gift. Special request ni Shaina ito kay Rayver, na although lambing nga, hindi naman inasahan ni Shaina na ibibili agad siya ni Rayver dahil mahal nga ang naturang breed ng aso.

Pero kagabi, July 23, sa birthday presscon ng July celebrators ng members ng Star Magic ng ABS-CBN 2, napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula mismo kay Rayver na patay na ang naturang asong iniregalo niya kay Shaina.

"'Yung katulong yata nila, hindi nai-lock na mabuti ang gate nila, kaya nakalabas ['yung aso]. Nakawala at nasagasaan yata. Hindi ko po alam kung nahagip nga ng sasakyan. Wala naman kasing nakakita kung paanong nasagasaan, kung nasagasaan nga.

"Pero hindi naman napisat na ewan, parang nakita lang nila, nakahiga na sa kalsada. Ang liit pa naman ng chihuahua, na parang ang sensitive at ang fragile. Iyak nga nang iyak si Shaina," kuwento ni Rayver, who just celebrated his 18th birthday last Friday, July 20.


Dahil malungkot ang pangyayari, ni hindi na maalala ni Rayver ang eksaktong petsa ng pagkamatay ng aso na pinangalanan nilang Rain—pinagsamang pangalan nila ni Shaina.

Bibigyan ba niya ulit ng mamahaling aso si Shaina?

"Tingnan natin, kapag nagkaroon ng show ulit, para may pambili!" natatawa niyang biro.

Wala pa raw kasi siyang bagong show sa ABS-CBN ngayon, pagkatapos ng Rounin.

"Pero sana nga magkarooon ulit, kasi parang hinahanap ng katawan ko ‘yung thrice a week na trabaho. Parang hindi ako sanay na hindi ganun ang routine ko. Nasanay na kasi ako na ganun ang schedule ko, na ganun ka-busy," sabi ni Rayver.

Aminado rin ang young actor na nami-miss na niya ang dati nilang teen program ni Shaina na Abt Ur Luv.

Habang wala pang show, busy sina Rayver at Shaina sa shooting ng dalawang pelikula na parehong kalahok sa 2007 Metro Manila Film Festival: Katas ng Saudi nina Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino, at Bahay Kubo starring Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nakasama ni Rayver si Shaina sa celebration ng kanyang kaarawan sa Festival Mall Alabang last Friday dahil nasa Amerika pa raw ang young actress.

Kagagaling lang din ni Rayver sa States, kung saan nagkaroon sila ng concert tour, kasama sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, at ilang Pinoy Dream Academy scholars. Kasama rin ni Rayver si Shaina sa U.S. pero nagpaiwan pa raw ang nakababatang kapatid ni Vina Morales.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN