Lani Mercado and Rosanna Roces kiss and make up

IMAGE 0


All's well that ends well with Lani Mercado (left) and Rosanna Roces (right). The grandmothers of Budoy settle their differences with a small gesture at Cristy Fermin's birthday party.



Pagkatapos ng kanilang alitan at pagpapalitan ng salita on television, nagkita sa unang pagkakataon ang magbalae na sina Rosanna Roces at Lani Mercado. Ito ay naganap sa birthday party ni Cristy Fermin kagabi, July 23, sa West Avenue, Quezon City.

Halos magkasabay na dumating si Osang at ang mag-asawang Lani at Senator Bong Revilla. Ang anak ni Osang na si Grace Adriano at ang anak naman nina Bong at Lani na si Jolo Revilla ang mga magulang ni Gab o Budoy.

Walang kamalay-malay si Osang na nasa harap na niya si Bong. Kaya si Bong na mismo ang tumapik kay Osang at saka sila nagbatian. Nandun din sa tabi ni Bong si Lani kaya pagkatapos batiin ni Osang ang actor-politician, sila na ng dating kaalitang si Lani ang nagbesuhan.



Doon sabay-sabay na ininterbyu ng iba't ibang TV crews ng ABS-CBN sina Bong, Lani, at Osang.

Para kay Osang, matagal nang wala siyang galit o sama ng loob kay Lani dahil may Budoy na nagbubuklod sa kanilang tatlo. Para naman kay Lani, wala nang dapat hintayin na may magsabi pa ng sorry ang sinuman sa kanila ni Osang. Understood na raw ‘yon that "everybody's okay and happy."



Ngayong okay na sina Osang at Lani, posible rin na maging tulay si Bong sa pagbabati naman ni Osang at ng dati niyang manager na si Manay Lolit
Solis—na incidentally ay manager din nina Bong at Lani. Walang paniniyak ang naging kasagutan ni Bong tungkol dito, pero kung magagawa raw niya, bakit hindi?



Naniniwala naman si Osang na pagkatapos nilang magkaayos ni Lani, hindi imposibleng sumunod na rin ang pagkakaayos ng mga nakaalitan niya dati, tulad ni Manay Lolit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN