Sarah Geronimo dismisses intrigue about rivalry with Asia's Songbird

IMAGE 0


Pop Princess Sarah Geronimo, who is celebrating her 19th birthday today, July 25, says her mom has allowed her to accept suitors. However, she chooses not to enter in any relationship yet. "Alam niyo naman ho na bata pa ako. Baka maloko lang ako, maapektuhan lang ang aking career, at ang aking studies, di ba?"


Kasabay ng pagiging pinakabagong endorser ng Extreme Magic Sing, muli na namang ikinukumpara ang Pop Princess na si Sarah Geronimo sa Asia's Songbird, Regine Velasquez, na endorser naman ng WOW Magic Sing.

Sa press conference ng Extreme Magic Sing kahapon, July 24, sa Annabel's Restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City, sinubukang umiwas ni Sarah sa nasabing isyu at sinabing, "Hindi po, intriga lang iyon."

Ayon sa Pop Princess, hindi rin totoo na nahihigitan na niya ngayon ang kanyang Ate Regine. Nahihiyang sinagot pa ni Sarah, "Ay, hindi po totoo iyon. Naku, wala pa po ako sa narating ni Ms. Regine Velasquez. Dapat po kasi walang comparison kasi si Ms. Regine Velasquez, iba ho ang mga narating niya, kung gaano na po siya kalayo ngayon."

Ngunit kaugnay nito, masasabing malayo na rin ang narating ngayon ng singing champion. Pagkatapos ng kanyang second major concert na Sarah Geronimo: In Motion sa Araneta Coliseum kamakailan, nakatakda naman siya ngayon na gumanap sa isang soap opera at magiging busy rin siya sa paggawa ng susunod niyang album.

Tinanong tuloy ng entertainment media, hindi kaya magbago si Sarah dahil sa mga natatamo niya ngayon?

"Definitely hindi po. Kapag nagbago po ako, e, kurutin niyo po ako," paninigurong sagot ni Sarah.

LOVELIFE. Ngayong araw na ito, ipinagdiriwang ni Sarah ang kaniyang ika-19 na kaarawan. Marami tuloy ang nagtatanong kung pinayagan na siya ng kanyang ina na makipagrelasyon.

Ayon sa Pop Princess, hindi naman tutol ang kanyang ina sa mga manliligaw sa kanya. Kwento ni Sarah, "Sabi niya po pwede raw pong magpaligaw, pero commitment wala po muna, di pa pwede."

Bagaman may basbas na ng magulang, tila desisyon na rin ni Sarah na huwag munang pumasok sa anumang relasyon.

Paliwanag niya, "Pinag-iisipan ko po iyan, e. Hindi naman kailangan madaliin at saka ang dami kong naririnig na mga usual lang pong mga problema sa mga lalaki. May nakita lang iba [nakipag-break] na agad so parang nakakatakot, di ba? Parang ayaw ko na lang ma-in love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, mas pipiliin na muna niyang mag-concentrate sa kanyang career at pag-aaral sa University of the Philippines Open University.

Huling pahabol ni Sarah, "Alam niyo naman ho na bata pa ako—wala pa akong enough knowledge sa love—baka maloko lang ako, maapektuhan lang ang aking career, at ang aking studies, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN