Janice de Belen asserts that Igi Boy needs space to mature

IMAGE 0


Janice de Belen says that giving her son with Aga Muhlach, Igi Boy, enough space is the most important thing to do at this point to enable the 20-year-old to sort himself out.


Very civil si Janice de Belen nang ma-interview ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa mga komento ni Aga Muhlach sa kanilang anak na si Luigi.

Noong isang linggo ay na-interview ng PEP contributor na si Julie Bonifacio si Aga at ikinuwento nito ang mga problema ni Igi Boy–isa na rito ang problema ng anak sa pag-aaral. Hindi raw kasi nito nakahiligan ang pagpasok sa eskuwela.

“Kung anuman ang lumabas, anuman ang sabihin ng iba—no matter who they are—I respect their opinion. Basta ako nirerespeto ko ‘yon,” bungad ni Janice.

“I am not perfect. Nobody is perfect. Kasi kung perfect tayong lahat, wala tayong problema."

Naging matipid si Janice sa mga salita, maingat pa minsan. Ayaw na raw niyang lumaki pa ang isyu.

Naikuwento rin ni Janice ang kanyang mga struggles bilang isang ina. Hindi raw matatapos ang malaking hamon na ito sa kanyang buhay.

“Pinakamalaking struggle 'yung relationship with your children. Kasi habang bata sila, kontrolado mo sila, e, simple lang ang needs niyan. Pero paglaki, nag-iiba na. Dun na mahirap," paliwanag ni Janice.

Nasa poder daw niya si Luigi at nasa mabuti raw itong kalagayan ngayon.

“I don’t know if I am a good mother, it’s not for me to say. Ibang tao na lang siguro ang dapat magsabi niyan tungkol sa akin," aniya pa.

Pilit daw iniintindi ni Janice ang kanyang panganay na anak. Kung anuman ang pinagdadaanan nito ngayon, umiiral pa rin ang kanyang pagiging ina para maintindihan ang mga bagay-bagay.

“Luigi, like what I said, we have our struggles. He’s 20 years old. Malaki na siya. Kung ano ang gusto niyang gawin, mahirap nang awatin. Ako nga nung 18 years old, mahirap nang awatin, siya pa? Ako babae, siya lalaki, so mahirap talaga. I also need to give him space in what he wants in life," pahayag ng "Quotation Queen" of the '80s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit may ilang intrigang kinakaharap ngayon, masaya raw si Janice sa kanyang lovelife.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN