Vic Sotto and Pia Guanio "practice" how to be a married couple

IMAGE 0


"Dito sa set, magpa-practice si Pia na maging misis! Take note, misis na ang tawag ko sa kanya," jokes Vic Sotto about his and Pai Guanio's role in their sitcom Ful Haus.



Sa August 5 ang premiere telecast ng bagong sitcom ni Vic Sotto sa GMA-7 titled Ful Haus. Ito ang papalit sa oras na maiiwan ng Daddy DiDoDu, na si Vic din ang bida at producer.



Sa Ful Haus, ang real-life girlfriend ni Vic na si Pia Guanio ang leading lady niya. Mag-asawa na hindi pa magkaanak ang papel nila rito. Pia plays Grace while Vic plays Ful.



"You put them together and it's Grace-Ful," pabirong sabi ni Vic sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Nang bisitahin namin ang set ng Ful Haus sa Studio 3 ng TAPE Inc. sa Central Business Park sa Pasig City, kinukunan ang mga ilang eksena nina Vic at Pia na naglalambingan. Sabi-sabi nga sa loob ng studio, wala na raw tuksuhan na nangyayari sa set dahil napakanatural na ng dalawang gumanap bilang mag-asawa.



"Dito sa set, magpa-practice si Pia na maging misis!" biro ni Vic during their taping break. "Take note, misis na ang tawag ko sa kanya."



Sabi naman ni Pia, unti-unti na niyang nakukuha ang comic timing. Sanay kasi siya sa pagiging TV host. First time niyang sumabak sa isang sitcom at role pa ng misis ni Vic ang naitoka sa kanya.



"This is something new for me and I'm enjoying it," nakangiting sabi ni Pia. "Sabi nga ni Bossing, dito ako sa set ng Ful Haus magte-train para maging misis niya. Why not? Sana nga matuto na akong magluto dito."



Kasama rin sa Ful Haus sina Joonee Gamboa, BJ Forbes, Jose Manalo, Sugar Mercado, at. Marissa Delgado. Mula ito sa direksyon ni Bert de Leon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN