Life goes on for Angel Locsin in London despite controversy

IMAGE 0


Controversial young actress Angel Locsin continues to be in the limelight even if she's miles away. Angel is now in London finishing her two-week crash course in fashion design.



Pagkatapos magsalita ng ama at manager ni Angel Locsin na sina Mr. Angel Colmenares at Becky Aguila sa The Buzz last Sunday, tuloy ang pagharap at pag-usad sa buhay ng young actress. Inumpisahan ito ni Angel sa pamamagitan ng pagbabalik-eskuwela niya by taking up a crash course in fashion design sa London.



By this time, kasama na ni Angel sa London ang kanyang manager, na umalis ng Pilipinas noong Sabado. Ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na malapit kay Angel, nag-first day of class na si Angel sa kanyang pinapasukang college of fashion school na malapit sa Oxford Circus sa London.



There are 16 mixed students in her class, sabi pa ng aming source. Sumasakay ng train si Angel papuntang Central Line, which is approximately five stops mula sa tintuluyan niyang dormitoryo sa Henry VIII Paddington.



So far, Angel and Becky are still familiarizing themselves with the area. Pero ‘yung shopping area ay nasa Oxford Circus. Lahat daw ng malalaking signature-clothing stores are just within reach.



Maganda raw ang weather ngayon sa London. Summer doon pero mahangin. Kinailangang bumili ng fashion supplies ni Angel para sa kanyang school requirements. At the same time, naghahanap pa rin si Angel ng dorm na malapit sa kanyang eskuwelahan.



Ayon pa sa aming source, instead na apat na araw lang ang ilalagi ng manager ni Angel sa London, posibleng samahan na niya ang alaga all throughout her stay sa London. Nakita kasi ni Becky ang hirap na pagdaraanan ni Angel kapag naiwan niya itong mag-isa doon habang nag-aaral. Kaya siya na mismo ang mag-aalaga at mag-aasikaso kay Angel habang tinatapos nito ang kinuhang fashion-design course.



Dagdag pa ng aming source, so far, ang plano ay sabay na babalik ng Pilipinas si Angel at manager niya sa first week of August.

Pagbalik ni Angel sa Pilipinas ay inaasahang sasagutin na niya ang lahat ng mga tanong kaugnay ng napipinto niyang paglipat sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN