Imee Marcos admits scolding difficult son Borgy Manotoc

IMAGE 0


"Nasasabunutan, nasusuntok, nauupakan, lahat na kahit malaki siya, sorry na lang... Sige pa rin. Hindi naman pinakikinggan," says Imee Marcos about her son, Borgy Manotoc.


Kung ang dating Unang Ginang na si Imelda Marcos ay ipinagtatanggol ang apong si Borgy Manotoc, inamin naman ng dating Ilocos Norte Representative na si Imee Marcos na ilang beses na niyang napagsasabihan ang kanyang anak dahil sa mga gulong kinasasangkutan niya.

Sa isang event na sumusuporta sa local film and music industry na pinangunahan ni Imee, pabiro niyang naikuwento sa Saksi ang ginagawa niya sa model-host niyang anak. Aniya, "Nasasabunutan, nasusuntok, nauupakan, lahat na kahit malaki siya, sorry na lang."

Ngunit sa kabila ng mga pagpapaalala niya sa kanyang anak, madalas raw na hindi nakikinig si Borgy sa kanya. Ayon kay Imee, "Sige pa rin. Hindi naman pinakikinggan."

Sa kabilang banda, inilarawan naman ni Borgy ang kanyang ina. Aniya totoong minsan ay nagagalit sa kanya ang kanyang ina ngunit, "It's not her style to just preach."

Samantala, nagpapasalamat naman ang model-TV host sa suportang ibinigay ng kanyang lola. Ayon kay Borgy, "My Lola is always... She knows me and that's what's important."

Tumanggi naman ang mag-ina na magbigay pa ng komento ukol sa kasong pambubugbog diumano ni Borgy kay Carlo Brown sa The Fort, Taguig noong Abril. Hayaan na lamang daw ang korte na magdesisyon kung guilty o hindi si Borgy sa nasabing insidente.

Bilang panghuling paalala sa kaniyang anak, sinabi ni Imee na, "Sana matutunan natin ang mga kailangan na leksiyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN