Paolo Paraiso bolts out of manager Arnold Vegafria's stable

IMAGE 0


"Ang point ko, tawag ako nang tawag sa kanya to explain my side, hindi niya ako sinasagot. Tapos, hindi naman ako nabibigyan ng project habang hindi niya ako kinakausap. I need to work din naman," explains Paolo Paraiso about leaving Arnold Vegafria's management.



First to talk recently about leaving Arnold Vegafria's ALV Management ang Pinoy Big Brother Season 1 housemate na si Say Alonzo. Hindi amicable ang paghihiwalay ng dalawa.

More quiet but not so amicable din ang paghihiwalay nina Arnold and Paolo Paraiso, former Star Magic talent and now a freelancer.

First time na magpapa-sexy si Paolo sa pelikulang Casa directed by Deo Fajardo Jr., co-starring Asia Agcaoili and Michael Rivero. Sa presscon ng Casa kahapon, July 26, biglang nabanggit ni Paolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang recent niyang pagtiwalag sa stable of talents ni Arnold. Naikuwento naman namin sa kanya ang tungkol sa pag-alis ni Say sa ALV Management.

"Parang ganun din ang nangyari sa akin, pero medyo maayos naman ng konti at saka wala namang sigawan," sabi ni Paolo.

Baligtad kasi ang nangyari, si Paolo daw ang pinagdudahan ni Arnold na aalis na kay Arnold.

"May nakapagkuwento yata kay Arnold na aalis na ako sa kanya, which is not true at all, tapos nagtampo na siya. Hindi niya sinasagot ang tawag ko to explain the truth na hindi nga totoo ito," kuwento ng sexy actor.

Later on daw, nakapagdesisyon na si Paolo na humiwalay na nga at binalikan siya ni Arnold na totoo pala ang balita.

"Ang point ko, tawag ako nang tawag sa kanya to explain my side, hindi niya ako sinasagot. Tapos, hindi naman ako nabibigyan ng project habang hindi niya ako kinakausap. I need to work din naman.

"Sana hindi siya naniwala. Wala naman siyang narinig sa akin mismo na aalis ako. Hindi naman ako nagreklamo sa kanya kahit kailan kung wala man akong project," paliwanag niya.

Ang Casa ang last project ni Paolo na bigay ni Arnold.

Samantala, papasok si Paolo sa soap opera ng GMA-7 na Impostora, starring Sunshine Dizon at Iza Calzado, bilang best friend ni Alfred Vargas. Kay Arnold pa ba ito, tanong namin sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam, matagal na itong nai-commit sa akin, pero sa akin sinabi ng GMA," sagot niya.

Baka one year mag-freelance si Paolo bago kumuha ng bagong manager. Gustuhin niya man kasing magpahawak sa mga co-PAMI [Professional Association of Managers, Inc.] members ni Arnold, hindi ito maaari dahil may commitment ang mga PAMI members not to handle any talents of their co-members na tumiwalag for at least one year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN