Gretchen Barretto finally breaks her silence on "kisscandal"

IMAGE 0


"Nung nangyayari ‘yung mga intriga, parating sinasabi ng mga gustong mag-console sa akin na, ‘Gretchen, don't worry, hindi mo utang sa publiko ang mag-explain!' But I really feel na utang ko sa publiko dahil I'm a public figure and I'm very much visible," says Gretchen Barretto.


Finally, Gretchen Barretto speaks up.

Ever since pumutok ang so-called "kisscandal" involving Gretchen and John Estrada early June of this year ay nanatiling tikom ang bibig ni Gretchen regarding the issue.

Except for some text messages na sine-send niya every now and then to some of her close friends, to update them about her and longtime partner Tonyboy Cojuangco's condition, ay never pang nag-grant ng any interview ang magandang aktres.

Sa intimate birthday dinner for talent manager Douglas Quijano last Wednesday night, July 25, hosted by Richard Gomez and Lucy Torres-Gomez at their East Greenhills home, isang short-haired, younger-looking Gretchen ang dumating at masayang naki-mingle with everyone.

Pawang close friends ng birthday celebrant na si Tito Dougs ang present that night kaya very at-home si Greta and she was in her usual matsika and kikay self. She was so in the mood to talk that night na nung maglambing ang Startalk reporter na si Gorgy Rula to interview her on cam, she gamely obliged.

Biniro niya pa si Gorgy and his TV crew na they should be proud dahil sa Startalk niya napiling magsalita for the very first time (mapapanood in full ang said interview tomorrow afternoon, July 28, sa Startalk).

Sumabay ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa interview ng Startalk and we took the chance para makapagtanong din kay Gretchen.

So, how is she now after all the controversy that she's been through recently?

"I'm okay now," nakangiting sabi ni Greta.

TONYBOY'S CONDITION. Kumusta na si Tonyboy after sumailalim sa isang maselang operasyon sa Amerika?

"Right now, okay na si Tony. Nagkaroon siya ng isang operation dito, sa Manila Doctor's Hospital and then a week after, pumunta kami ng Boston for a throat surgery. Okay na siya, and then aalis ulit kami next week," kuwento ng aktres, who looked fresher with her new short hair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



According to Gretchen, hindi siya nawala sa tabi ni Tonyboy and she was there the whole time para bantayan at suportahan ito sa pinagdaanan nitong health crisis.

MESSAGE TO THE PUBLIC. Sa tagal ng panahon na pinili niyang manahimik at huwag munang magsalita, ano ‘yung mensahe na nais niyang iparating ngayon sa publiko?

"Sa lahat naman ng nangyari sa akin na mga storms o sa mga bagyong nagdaan sa buhay ko, palagi namang naging faithful ang publiko sa akin...

"Siyempre, hindi naman lahat maganda ang nasasabi sa akin; may maganda, may hindi maganda, pero ganyan talaga ang buhay. You have to take the good with the bad, the bad with the good, hindi ba?

"So, nagpapasalamat lang ako sa lahat ng mga nagdasal para sa akin at para kay Tony nung nagkasakit siya. Sa lahat ng mga umintindi at pilit na umiintindi... At sa lahat ng mga hindi nakakaintindi, pasensiya na lang. Pero hindi ko naman kasi binibigyan ang publiko ng ibang larawan ng isang Gretchen Barretto.

"Kung ano po ‘yung nakikita n'yo, the good and the bad, ako po ‘yon. Ako talaga ‘yon! So, ‘yun lang naman talaga ang maio-offer ko," pahayag ni Greta.

UNCONDITIONAL LOVE. Kung meron man daw siyang labis na ipinagpapasalamat, ‘yon ay ang patuloy na pagbibigay ng pang-unawa at pagmamahal sa kanya ni Tony at ng only daughter nilang si Dominique.

"Ang naa-appreciate ko kay Tony at kay Dominique is that kung anuman ang nangyayari, kung anuman ang pinagdaraanan ko—tama o mali—they're proud of me kapag tama ang ginagawa ko or mabuti ‘yung nagagawa ko sa career ko.

"At kung hindi naman siya mabuti, they're still faithful. You know, they still take me. Pero ganyan naman ang tao, e, di ba? We have a good side and we have a bad side," pahayag ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May cute na kuwento siya tungkol sa naging reaksiyon ni Dominique nung height ng controversy about the infamous kissing photo.

"Nung ine-explain ko kay Dominique, sabi ko... in English, kasi hindi siya nakakaintindi ng Tagalog... I said, ‘Dominique, let's live in the States kasi, you know, here in the Philippines, every intrigue is parang blown out of proportion.'

"And she said, ‘Oh, it's okay mom, you know, you're just like the Paris Hilton of the Philippines. At least, you didn't get jailed. Hahaha!

"I had to share that, na marunong umunawa ‘yung anak ko. She loves me, and I guess, marunong din akong humingi ng tawad 'pag nagkakamali ako," proud na bulalas ng magandang aktres.

Paano siya inunawa ni Tonyboy sa kabila ng mga intriga at kontrobersyang kinasangkutan niya?

"Well, like I said, very faithful siya sa akin in terms of pang-unawa, and para sa kanya, parang lahat nagkamali. Kasalanan ng lahat, hindi ‘yung akin lang.

"Siyempre, parang naguluhan din ako dahil naawa rin ako sa mga kaibigan ko dahil siyempre, I'm older than most of them, di ba? I'm older than Rufa Mae [Quinto] and Ruffa [Gutierrez], and Nadia [Montenegro]. Pero parati silang nasisisi pag may nangyayari sa akin."

THE RIGHT TIME. Noong kainitan ng "kissdandal" ay nabanggit niyang she's just waiting for the right time na makapagsalita siya para sagutin ang lahat-lahat ng isyu. Itutuloy niya pa bang gawin ito?

"Yes, I will!" mabilis na sagot ni Greta sa PEP.

"Alam mo, nung nangyayari ‘yung mga intriga, parating sinasabi ng mga gustong mag-console sa akin na, ‘Gretchen, don't worry, hindi mo utang sa publiko ang mag-explain!'

"But I really feel na utang ko sa publiko dahil I'm a public figure and I'm very much visible. So, hindi naman puwede na 'pag nagkaproblema, e, umaatras. Siguro hindi pa lang ready...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And nagpapasalamat din ako that, you know, a lot of people have been also very patient with me. Oo, I'd like to be able to really set myself free with the truth and my version—no matter how people will take it—one of these days hopefully..." ani Greta.

Meron pa ba siyang ibang nais sabihin?

"Like I said, nagpapasalamat ako sa lahat ng umuunawa sa akin. May mga ibang tao kasi na nagagalit sa akin pag naughty ako. Pero this is me, love me!

"Even when I'm good and I'm bad, you have to love me! Hahaha! Di ba, ganun ‘yon pag mahal mo ang isang tao? Dapat lahat, ang kabuuan ng person, you have to take. Kasi, hindi naman perfect ang kahit na sino," katwiran niya.



So, aminado pala siyang naging "naughty" siya?

"I'm naughty and wise!" hirit niya, sabay halakhak.

Nagkausap na ba sila ni John Estrada after pumutok ang "kisscandal"?

"I don't wanna comment about that," maiksi at seryosong sagot ni Gretchen sa tanong ng PEP.

"Naiba ‘yung mood?!" tawa niya sa sarili niya.

STARTING TO RECOVER. Sa pinagdaanan ni Greta na matinding intriga ay malaki ang pasasalamat niya sa mga taong hindi siya iniwan at dinamayan siya sa kanyang problema.

"Marami akong gustong pasalamatan at hindi ko pa nauumpisahan ‘yung pagpapasalamat because, like I've said, I'm only starting to recover. I'm only starting to really eat the right food. I'm only starting to sleep well.

"Parang hindi pa ako bumabalik sa routine ko. So, parang bibigyan ko ‘yung sarili ko ng time to get over everything na nangyari. Kasi sabay-sabay, di ba? Hindi lang ‘yung intriga but also, nagkasakit pa si Tony and aalis nga kami ulit [next week] for another surgery.

"So, more than anyone in this world, talagang nagpapasalamat ako sa Diyos at pinahiram pa ng Diyos si Tony sa amin because, you know...muntik na siya talaga, e, di ba?" bulalas ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasaang level na kaya ngayon si Gretchen sa puntong ito ng kanyang buhay?

"I really can't tell kung anong level. I just know na parang nauntog talaga ako nang malakas! Marami akong na-realize, marami akong natutunan, marami akong gustong baguhin, and I know I need a lot of growing up to do...

"Minsan, nakakalimutan ko na 37 years old na ako at ‘yung childish ways ko, nandiyan pa rin. Hindi ko rin nakakalimutan na tao lang din ako na minsan, nakakalimot; na minsan, gusto lang sumaya. Minsan, nakakalimutan natin kung sino at ano tayo, di ba? Ganun talaga, e," makahulugang sambit pa ni Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN