Gardo Versoza laughs off rumors about sowing wild oats

IMAGE 0


Gardo Versoza denies rumors that he has more than two children. Nobody has approached him to make claims on his fatherhood, he says.



Pinagtatawanan na lang ng aktor na si Gardo Versoza ang balitang hindi na raw niya mabilang ang mga anak niya. May naisulat kasing balita na may mga lumalapit daw sa kanyang mga bata at kine-claim na siya ang ama ng mga ito.

Ayon kay Gardo, ang alam niya ay dalawa lang ang tunay niyang anak mula sa dati niyang girlfriend. Wala naman daw lumalapit sa kanya at nagsasabing anak niya ang mga ito.



"May nagsabi nga sa akin ng balitang ‘yan. Natawa ako kasi para namang palahian ako! Ganyan na ba ako kabagsik?" natatawang pahayag ni Gardo sa presscon ng Kung Mahawi Man ang Ulap last Wednesday, July 25.



Dagdag pa ni Gardo, hindi naman daw siya ang tipo na magtatakwil ng sarili niyang dugo. Alam daw niya kung sino ang mga anak niya.



"Tsaka ang sama ko naman kung hindi ko makilala kung sino ang mga anak ko, di ba? Wala namang lumalapit sa akin para sabihin na mga anak ko sila. At mararamdaman mo naman kung kadugo mo ang bata, di ba? Lukso ng dugo ba ang tawag doon? Mapi-feel mo naman kung may relasyon ka sa isang bata o wala," paliwanag ng aktor.



Pero sumagi na ba sa isipan ni Gardo na baka nga may mga nakasiping siyang mga babae at nabuntis niya ang mga ito?



"Minsan naiisip ko ‘yan, kung may nabuntis ba akong ibang mga babae. Pero maingat ako sa ganyan, e. Kaya imposibleng may maanakan akong iba. Tsaka kung may pakiramdam ba ang isang babae na ako ang ama ng anak nila, bakit hindi nila iharap sa akin? So far, wala namang ganyan. Siguro wala naman akong nabuntis na iba," aniya.



Aminado si Gardo na loveless siya ngayon. Huling relasyon daw niya ay noong sila pa ni Jean Garcia. Mahirap paniwalaan dahil sa tikas at matinding sex appeal ni Gardo ngayon, imposibleng wala siyang babae ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"It's true," giit niya. "Mahirap paniwalaan pero totoo. Akala naman kasi ng iba, marami akong babae sa buhay. Sa totoo lang, mahiyain ako. Hindi ako ‘yung maporma sa babae. Nakikiramdam lang ako.



"May mga dine-date ako pero walang serious. Mga nakikipagkaibigan lang. Ipinapakilala sa akin ng barkada. Hanggang ganun lang. Pero ‘yung serious, wala muna. Trabaho muna tayong lahat," pagtatapos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN