Lolit Solis unleashes shocking rumors about Angel Locsin

IMAGE 0


Controversial talent manager Lolit Solis (right) brought up negative rumors about Angel Locsin (left): that she allegedly had an abortion, that her mother was a maid of her father and he got her pregnant, that she had a sex video, among others. But Angel's manager, Becky Aguila, quickly denied these rumors.



Marami ang nagulat sa mga pasabog ng talent manager/TV and radio host na si Lolit Solis sa radio program ni Ogie Diaz na Wow, Ang Showbiz! sa DZXL kaninang umaga, July 27. Ito ay may kinalaman sa mga negatibong isyu tungkol diumano sa young actress na si Angel Locsin.

Although hindi naman niya kinumpirmang totoo ang mga bali-balita tungkol kay Angel, nabanggit ni Manay Lolit na may balitang nagpa-abort diumano ang young actress. Nabuntis daw si Angel ng ex-boyfriend niya noon, ang yumaong young actor na si Miko Sotto, na pinsan ng isa pang ex-boyfriend ni Angel na si Oyo Sotto.

Foursome daw kasi na nagdi-date noon sina Angel at Miko at si Valerie Concepcion at ang boyfriend nito na pinsan ni Miko at ama ng kanyang anak. Ito raw ang lihim ni Angel na kinakatakutan niyang mabunyag kaya sunud-sunuran diumano ito sa kanyang manager.

"Kung ano [ang] ginagawa ni Valerie at nung pinsan ni Miko, 'yon din siguro ginagawa nina Miko at Angel. That time daw, ano talaga, nagpa-abort si Angel," sabi ni Manay Lolit.

Ayon pa kay Manay Lolit, may balita ring ang ina ni Angel ay dating katulong na nabuntis ng ama nitong si Mr. Angel Colmenares. Bagama't very visible ang ama ni Angel ay walang nababalita tungkol sa kanyang ina at hindi ito nakikita ng publiko.

"Di ba, usually pag ganitong pagkakataon, pag may problema ang anak, ang lumalabas nanay? Bakit, 'asan ba 'yung nanay ni Angel? Lalo na pag lumabas yung isyu tungkol sa pagkaka-abort, kailangan 'yung nanay, di ba? Pero nagkahiwalay daw [ang parents ni Angel] kaya si Angel yata lumaki sa tatay, kaya hindi close sa nanay," pahayag ni Manay Lolit.

Balitang may sex video rin ang young actress with a Japanese guy. Bukod dito ay marami pang pinasabog na intriga ang controversial co-host ng Startalk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BECKY'S ANSWERS. Bagama't nasa London ngayon ang manager ni Angel na si Becky Aguila kasama ang young actress, sinagot ni Becky ang mga inilabas na isyu ni Manay Lolit thru text message.

Una, ang isyung nagpa-abort diumano si Angel.



"Not true. How can that happen when she was staying with me during her bf/gf relationship with Mico?" sagot ni Becky sa text message niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Pangalawang issue, ang nanay ni Angel ay dati raw maid ng daddy niya at nabuntis niya ito.



"I'm not really sure if it's true, but I really don't see anything wrong with it," sabi ni Becky. "We should not be judgmental, we're not perfect. What's most important is that the couple created a beautiful person in Angel."



Pangatlo, may sex video raw si Angel with a Japanese guy.

"Not true. Ilabas nila ang video," pagtatanggol ng manager ni Angel.

Fourth, kaya raw magnenegosyo si Angel ay dahil ang financier niya ay anak ni Lucio Tan na nagngangalang Joel Tan, na boyfriend diumano ng young actress.

"No, not true. Hindi kilala ni Angel ang anak ni Lucio Tan. Pasensiya na't nadamay pa sila. Group of young entrepreneurs partners ni Angel," paliwanag ni Becky.



At pang-anim, wala naman daw talaga si Angel sa London at nagtatago lang ito sa Los Angeles.

"Angel is currently enrolled in London College of Fashion and will send photos for everyone," sagot ng manager ng young actress.



Bilang patunay raw na nasa London talaga si Angel ay mapapanood sa Sunday sa The Buzz ang exclusive interview niya sa TFC correspondent na si Jean Alcantara.

Early this week ay kinumpirma ni Becky ang matagal nang usap-usapan tungkol sa paglipat ni Angel sa ABS-CBN mula sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN