Child star Charming Lagusad to be pulled out from "Boys Nxt Door"

IMAGE 0


"Hindi ko po alam, pero kung totoong aalisin ako sa show, maghihintay na lang ako ng next project. Ayoko sanang lumipat at kung mangyari ‘yon, kung saan na lang ako dalhin," says Charming Lagusad about the rumor that she will be pulled out from Boys Nxt Door.



Kasama sa cast ng Bahay Kubo ang child star na si Charming Lagusad. Nang usisain ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang role niya sa entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival, hindi raw matandaan ng child actress. To think na ilang minutes pa lang natatapos ang storycon ng cast with Direk Joel Lamangan at doon sinabi sa kanila ang kani-kanilang respective roles.



Sa interview portion na ginawa sa Tycoon office ng Regal noong Friday, July 27, inalam ng PEP kay Charming kung alam niya ang isyung ipu-pullout siya sa Boys Nxt Door. Talent ni Becky Aguila si Eunice at may isyung ipinapu-pullout na ng GMA-7 management ang lahat ng talents ng manager sa mga shows ng network. Ito ay may kinalaman sa paglipat ng nangungunang talent ni Becky na si Angel Locsin sa ABS-CBN.



"Meron pong ganun?" nagtatakang tanong niya. "Hindi ko po alam, pero kung totoong aalisin ako sa show, maghihintay na lang ako ng next project. Ayoko sanang lumipat at kung mangyari ‘yon, kung saan na lang ako dalhin."



Halatang naapektuhan si Charming sa pullout issue dahil nalungkot ito sa nabalitaan. Ang Boys Nxt Door lang ang regular show niya sa GMA-7, although kasama siya sa sitcom na Ay, Robot! sa sister network nitong QTV 11. Mula sa talent fee niya sa show ay nag-iipon siya para makabili ng sasakyan.

Naging popular si Charming dahil sa pagganap niya bilang young Charming sa soap opera ng GMA-7 na Bakekang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN