Sarah Geronimo's shameful experience on her birthday

IMAGE 0


Sarah Geronimo's fans witness how the executive producer of Pangarap Na Bituin shouted at the young actress-singer and her mother when she came in late for her taping. Sarah was celebrating her birthday when this incident happened.



Pinag-uusapan ng mga fans ni Sarah Geronimo ang nangyaring pambabastos sa singer noong Miyerkules, July 25, na nagkataon pa naman 19th birthday ng Viva contract star.



Nangyari ang insidente sa loob ng ABS-CBN compound. Late daw dumating si Sarah sa taping ng Pangarap na Bituin noong Wednesday. Kasamang dumating ni Sarah sa ABS-CBN ang kanyang ina. Pagbabang-pagbaba pa lang daw ng sasakyan ni Sarah at ng kanyang mommy ay nakaabang na raw ang executive producer ng bagong soap opera ng ABS-CBN named Mio at walang kagatol-gatol na pinagsisigawan diumano ang mag-ina dahil late nga silang dumating.



Nagulat na lang daw at hindi nakapag-react sa pagkabigla ang mag-ina. Maging ang mga tao raw na nakasaksi sa pangyayari ay hindi rin nakakibo habang nagaganap ang pagmumura diumano ng EP ng show kay Sarah at sa kanyang ina. Nagkataon pa naman daw na maraming tao that time na nag-aabang kay Sarah dahil birthday nga ng singer at gusto nila itong batiin. Pero iyon ang eksenang tumambad sa kanila.



Ayon pa sa usap-usapan ng mga fans ni Sarah, hindi raw nila malaman kung paano sila lalapit sa singer para i-console ito. Sa bilis ng mga pangyayari, lahat daw sila ay di malaman kung paano magre-react. Hindi naman masabi ng mga fans kung nakita nilang umiyak si Sarah habang sinisigawan ng EP ng show.



Sabi pa ng mga fans ng singer, kahit pa raw na-late si Sarah ng dating sa taping, hindi naman daw tama na ipahiya ito ng EP o kung sino man sa production sa harap ng maraming tao. Pero halata raw na talagang inabangan ang pagdating ni Sarah, na hindi naman aware na matatalakan siya pagbabang-pagbaba nilang mag-ina ng sasakyan.



Awang-awa ang mga fans na nakasaksi sa pangyayari, pero wala naman daw silang magawa. Shocked daw silang lahat. Kaya pa naman daw sila nandoon ay para bumati kay Sarah dahil birthday nga ng young singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Walang kontrata si Sarah sa ABS-CBN kundi para sa show lang na Pangarap na Bituin at ASAP. Sa Viva Entertainment kasi siya nakakontrata at ito ang nagdedesisyon kung saan network siya dadalhin at kung anong programa ang tatanggapin.



Pero dahil sa nangyaring insidente, puwedeng i-request ni Sarah sa Viva na alisin na siya sa ABS-CBN after niya magawa ang Pangarap na Bituin. Posible rin na ang Viva Entertainment na mismo ang mag-decide na lumipat na sila sa ibang network after Sarah's contract with ABS-CBN for Pangarap na Bituin is over as an aftermath of that unfortunate incident na nakakalungkot nangyari sa birthday mismo ni Sarah.



Lalabas kaya si Sarah ngayong tanghali, July 29, sa ASAP '07 after that very unpleasant incident noong birthday niya?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN