Becky Aguila's other GMA-7 talents start to feel the backlash

IMAGE 0


Manager Becky Aguila (right) should have thought of her other talents, like Jennylyn Mercado (left) when she pulled out Kapuso's top actress Angel Locsin, remarks a GMA-7 executive about the current backlash against the young actors left behind.



Nararamdaman na ng ibang talents ni Becky Aguila ang backlash na nangyayari sa kanilang manager sa GMA-7.

Sina Yasmien Kurdi at JC de Vera ang gaganap sa next Sine Novela ng GMA-7 na Pasan Ko Ang Daigdig, a Sharon Cuneta movie noon directed by the late Lino Brocka. Si Gina Alajar ang gaganap na ina ni Yasmien na ginampanan noon ng nasirang Star of '66 na si Ms. Loretta Marquez at si Joel Lamangan naman ang magdidirek.

While naka-peg na talaga ang nasabing Sine Novela noon pa man para kina Yasmien at JC for a job well done sa kanilang unang pinagsasamahang Pati Ba Pintig ng Puso?, biglang napabalitang ibibigay daw ito kina Jennylyn Mercado at Mark Herras, and possibly with Patrick Garcia.

Kung nagkaroon man ng ganitong plano, it was reverted to the original casting dahil na rin sa nangyari between Becky and GMA-7. Si Jennylyn ang next most important talent ni Becky after Angel Locsin.

Ipu-pullout na rin si Charming Lagusad sa Boys Nxt Door kung saan siya ang gumaganap na kaisa-isang babaeng kapatid ng tatlong StarStruck boys na sina Marky Cielo, Mart Escudero, and Aljur Abernica. With this news, hindi malayo na baka ma-pullout din si Justin Plummer, ang binatilyong nasa Boys Nxt Door, dahil talent din siya ni Becky.

Walang nababalitang bagong show ang isa pang talent ni Becky na si Valerie Concepcion after Sinasamba Kita.

"It has nothing to do with the talents, it has everything to do with Becky," paliwanag ng nakausap ng PEP na executive producer ng GMA-7.

"Kung magagawa ni Becky na i-pullout ang pinakamalaki niyang artista sa GMA, what's keeping her from pulling out her other talents sakaling magsilakihan na rin sila tulad ni Angel?

"Isa pa, sige nga sakaling makipag-usap ang GMA sa mga talents niya para bigyan ng show, sino ang haharap? Ang mga artista na lang? Ang mga handler? Siya [Becky] ang manager. Haharap pa ba siya sa mga bosses ng GMA? Mahirap na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakaawa lang talaga sa ibang talents ni Becky na nasangkot sila sa gulo, pero dapat naisip din ito ni Becky na hindi lang kung alisin niya si Angel sa GMA, parang wala lang at hindi maapektuhan ang iba niyang talents."

Katunayan, si Ella Cruz na pinapasikat din ng GMA-7, tinanggal na agad ni Becky nang kusa sa GMA-7 para ilagay sa isang ABS-CBN soap, ang Anna Lisa remake kung saan siya ang title role. Si Ella ang isa sa batang Super Twins.

"Inalis niya si Angel sa GMA-7. Hindi pa man nagkakausap ang lahat, inalis niya na rin si Ella agad. Sa palagay mo, hindi rin maiisip ni Becky na tanggalin na lang din bigla ang iba niyang talents?" tanong sa amin ng EP.

Gayunpaman, wala naman talagang direct action na ginagawa ang GMA-7 against the other talents.

Ang Pasan Ko Ang Daigdig, originally naman talaga para kina Yasmien at JC. Si Charming, ang bata ang tinanggal sa Boys Nxt Door. Si Ella, ibinigay na rin agad sa ABS-CBN. Si Charee Pineda—na talagang taga-Dos na at ilu-launch na nga sana sa Gokada Go, pero biglang inilipat ni Becky sa GMA-7 para mapasama sa cast ng Impostora—nagti-taping nang muli for Impostora si Charee, although pansamantalang nawala ang character niya pero nangyari ito bago ang kaguluhan.

Hindi rin naman daw pababayaan ng GMA-7 si Jennylyn dahil, after all, she's the first Starstruck Ultimate Female Survivor.

Ang tanong na lang ng kausap naming EP, when the time comes kailangan nang kausapin si Jennylyn—or any talents of Becky for that matter—sino raw ang haharap?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN