Yasmien Kurdi not ready to be the next GMA-7 queen

IMAGE 0


"Hindi pa ako handa. Marami pa akong dapat patunayan para matawag na reyna," says Yasmien Kurdi.



After Happily Ever After at Shake, Rattle & Roll 7 noong 2005, balik-pelikula si Yasmien Kurdi sa Bahay Kubo, ang isa sa entries ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival. Makakasama ni Yasmien sina Maricel Soriano, Mark Herras, Marian Rivera, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Charming Lagusad, and Jiro Manio. Mula ito sa panulat nina RJ Nuevas and Suzette Doctolero, sa direction ni Joel Lamangan.

Kung hindi man naging active sa movie si Yasmien, nagsunud-sunod naman ang kanyang TV projects for GMA, from Bakekang to the current Sine Novela na Pati Ba Pintig ng Puso?. Dahil sa lakas ng dalawang programa at dahil napatunayan ni Yasmien na karapat-dapat nga siyang tanghaling GMA Drama Princess, ngayon pa lang, nakahilera na rin ang kanyang mga gagawing bagong shows sa GMA.

Nagte-taping na sina Yasmien at Rainier Castillo ng Tasya Pantasya, ang ipapalit sa Boys Nxt Door na isang season lang nakakontrata. Hindi pa rin tapos ang Pati Ba Pintig ng Puso?, pero sila muli ni JC de Vera ang magbibida sa papalit na show rito, ang Pasan Ko Ang Daigdig.

Inisa-isa namin ang mga projects niya for GMA-7 at tinanong namin siya kung nakahanda na rin siyang makipaglaban para sa naiwang trono ni Angel Locsin sa Kapuso Network bilang reyna. Katulad ni Nadine Samonte, umayaw rin si Yasmien.

"Hindi pa ako handa. Marami pa akong dapat patunayan para matawag na reyna," sabi ni Yasmien sa story conference cum presscon ng Bahay Kubo noong Biyernes, July 27, sa Tycoon office ng Regal Films.

"Okay na muna ako sa prinsesa, para cute," pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN