Jackie Rice still waiting for her next project on GMA-7

IMAGE 0


After Fantastic Man, nothing new has been heard from Jackie Rice. But the StarStruck 3 winner is in no hurry to have a new project.



Aminado ang StarStruck 3 Ultimate Female Survivor na si Jackie Rice na wala siyang anumang project na ginagawa sa kanyang mother studio na GMA-7 ngayon. Pero aniya, hindi raw siya nagtatanong kung ano pa ang plano sa kanya or kung ano ang susunod niyang project sa Kapuso Network.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jackie, pinabulaanan niya ang nakarating na isyu sa PEP na naging "pasaway" na naman siya kung kaya't bigla siyang nawala sa fantaserye na Fantastic Man. Ayon sa balita, siya dapat ang leading lady ni Mark Herras at hindi si Ryza Cenon.



"Wala po akong alam don sa pagiging leading lady. ‘Yung sa biglaan ko naman pong pagkawala sa Fantastic Man, hindi ko rin po alam ang dahilan. May isyu raw po na naging pasaway ako? Kung meron man, hindi po totoo ‘yon. Wala pong ganoon kasi aminado naman ako na dati, naging pasaway nga ako, pero napakatagal na pong hindi.



"Ang alam ko nga po, kaya ako nabigyan kaagad ng follow-up after ng Princess Charming dahil nakita nga nila na nagbago na ko. ‘Yung sa Fantastic Man, hindi ko po talaga alam ang reason. Nagulat na lang din po ako nang ipinadala sa akin ang script, nakalagay na mamamatay na ko sa episode na ite-tape namin. Pero hindi po ako nagtanong kung bakit. Ayoko pong magtanong, kasi, kung ano ang sabihin nila, ‘yon lang din naman po ang ginagawa ko," pahayag ng young actress.



Hindi naman ikinaila ni Jackie na nandoon ang regret sa parte niya na kung hindi raw siguro siya naging pasaway noon, things may be a lot different now. Though, dahil din naman sa mga pangyayaring ‘yon kaya at the age of 17 ay marami na rin daw siyang natutunan at na-realize na mga tama at mali. Kaya ayon kay Jackie, talagang mas maingat at behaved na siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, itinanggi niya ang intrigang talagang iniwanan na siya ng kanyang daddy na siyang kasama niya sa condominium niya.



Ayon kay Jackie, "Hindi kaya! Imposible ‘yon. Ang daddy ko, kasama ko siya hanggang ngayon. Ang mommy ko ang nasa Olongapo dahil kailangan din naming samahan ang mga kapatid ko ro'n. At saka, ang daddy ko, mahal na mahal ako no'n."



On the other hand, alam daw niya na hindi lahat ay happy at nagugustuhan ang pagiging close nila ng young actor na si Biboy Ramirez. Pero aniya, wala naman daw siyang nakikitang masama.



"Inaamin ko naman, sa lahat sa showbiz, si Biboy talaga ang pinakamalapit sa akin. Pero may masama ba ro'n? Kasi mabait naman si Biboy. At saka, wala naman kaming masamang ginagawa. Kahit ang daddy ko, kasundo ni Biboy," paliwanag ni Jackie.



Ikinuwento rin ni Jackie na noong nakaraang birthday party raw ni Biboy last July 21 ay sobrang behaved daw siya. Kahit sino raw na naroroon ay makapagsasabing hindi siya uminom, kahit casual drinking lang.

Bukod pa rito, ikinuwento rin ni Jackie na may curfew siya sa kanyang ama.



"Hanggang 1:00 a.m. lang ako sa labas ng bahay. Kapag lumampas sa 1:00 a.m. at wala pa ako sa bahay, grounded na ko. Walang cell phone, wala lahat at hindi rin ako puwedeng lumabas for a week or so," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN