Katrina Halili to be launched by Kapuso Network as solo lead star

IMAGE 0


"Her time will come soon... Marami namang homegrown talents ang GMA-7, baka it's about time na sa kanila na mag-focus ang station," says a GMA-7 insider about Katrina Halili.



Isa pang StarStruck graduate ang hinahanda na ring mai-launch, si Katrina Halili.

Pinag-uusapan na rin sa GMA-7 ang paglu-launch kay Katrina bilang solo lead star. Malamang na i-partner muna siya sa isa sa mga pinakamalaking pangalan ng Kapuso Network.

Successfully launched on the big screen with Gigil, sa TV naman ang susunod at baka mangyari ito sa susunod na taon. Sayang naman daw ang nagawang historic feat ni Katrina for being the first back-to-back sexiest woman in the Philippines sa FHM ng 2006 at 2007.

"Her time will come soon," sabi ng kausap namin na members ng program committee (prog comm) ng GMA-7. "Marami ngang may gusto sa kanya sa loob [prog comm] dahil siya ang walang karekla-reklamo sa trabaho, sige lang siya ng sige."

Kung tutuusin, hindi rin naman napapabayaan si Katrina ng GMA-7 kahit hindi pa siya nailu-launch. Si Katrina kasi ang tinatawag na "crossover star" ng napakaraming soaps ng GMA-7.


From Majika, tumalon agad siya sa Atlantika, then diretso sa Lupin, at ngayon nga, sa Marimar na.

"Marami namang homegrown talents ang GMA-7, baka it's about time na sa kanila na mag-focus ang station," sabi ng kausap namin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN