Jeremy Marquez "happy" for Karel Marquez's new lovelife

IMAGE 0


"Hindi ko alam na nagkatuluyan pala sila. I heard nga from our common friends na nakikita nga sila Karel and Will together. Hindi ko alam na sila na pala. Well if she's happy with it, happy na rin siguro ako," says Jeremy Marquez about Karel Marquez and her new boyfriend, Will Devaughn.



Ngumiti lang ang young actor na si Jeremy Marquez nang may magsabi sa kanya na boyfriend na ng dati niyang niligawan na si Karel Marquez ang model na si Will Devaughn.



Ayon kay Jeremy, kung saan daw masaya si Karel ay magiging masaya na siya. Baka raw hindi sila talaga tinakdang magkatuluyan at mas pinili nitong sagutin si Will.



"Hindi ko alam na nagkatuluyan pala sila. I heard nga from our common friends na nakikita nga sila Karel and Will together. Hindi ko alam na sila na pala. Well if she's happy with it, happy na rin siguro ako," pahayag ni Jeremy sa panyam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kung Mahawi Man ang Ulap.



Nabanggit noon ni Karel sa isang interview na muntik na raw niyang sagutin si Jeremy kung wala lang daw itong nadiskubreng hindi maganda sa anak ni Joey Marquez. Nagtataka si Jeremy kung ano ang hindi maganda na nadiskubre raw ni Karel sa kanya.



"Wala akong idea about that," sabi niya. "I know lang I was courting her and we were doing okay naman. Hindi nga lang niya ako sinagot but that's okay. Pero ‘yung may ginawa raw akong hindi maganda, wala akong alam diyan."



Balita kasi noong may pinopormahan daw siyang ibang babae habang nililigawan niya si Karel. Totoo ba ito?



"Marami naman kasi akong close na mga girls. Taga-showbiz at out of showbiz. Natural ang pagiging malambing ko kaya siguro na-misinterpret ng mga nakakita.



"If that was the reason, hindi naman ako nagsasabay ng mga nililigawan, e. Hindi ako ganun. Pero tapos naman na ‘yon at may boyfriend na siya. Maghanap na lang ako ng iba," paliwanag ni Jeremy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN