Mother Lily offended by Becky Aguila's disrespect

IMAGE 0


"Humingi siya ng meeting sa akin sa text. Ang sabi niya, she will be free from five to eight p.m. last Friday. Sa Shangri-La... Aba, she's giving me the time and date kung kailan siya puwedeng kausapin? Respetuhin niya naman ako," says Mother Lily Monteverde (middle) about Becky Aguila (left), controversial manager of Angel Locsin (right).



War in two fronts ang hinaharap ngayon ng manager na si Becky Aguila at ng kanyang prime talent na si Angel Locsin. The first is with GMA-7, ang original home station ni Angel and the second, ang Regal Entertainment kung saan may movie contract ang actress.

Sa naglalabasang balita na tapos na raw ang kontrata ni Angel sa Regal, kung ilang beses nang sinabi ni Mother Lily Monteverde na ang abogado na lang niya ang kausapin ng abogado ng ABS-CBN regarding Angel's contract.

Una itong narinig ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the story conference of Bahay Kubo, isa sa mga panlaban ng Regal Films sa 2007 Metro Manila Film Festival, last Friday, July 28, sa Tycoon office ng Regal.

Sa unang presscon naman ng My Kuya's Wedding kagabi, July 29, sa Imperial Palace Suites, nagbiro si Mother Lily na batuhin naman siya ng kontrobersiyal na tanong, kung kaya't naitanong ng PEP ang estado ng kontrata ni Angel sa film outfit nila.

"Tinawagan ko na sila [ABS-CBN], sabi ko let our lawyers talk about this," sabi ni Mother Lily.

Biglang binanggit ni Mother Lily ang supposed meeting nila ni Becky.

"Humingi siya ng meeting sa akin sa text. Ang sabi niya, she will be free from five to eight p.m. last Friday. Sa Shangri-La.

"She is demanding," sabi ni Mother Lily tungkol sa manager ni Angel. "Aba, she's giving me the time and date kung kailan siya puwedeng kausapin? Respetuhin niya naman ako."

Tinanong ng PEP ang ilang detalye sa kontrata ni Angel sa Regal. Eight-picture contract daw ito, pero sa side ng Regal, hindi bilang ang co-production.

"Dapat, produced lang ng Regal, bakit ipapasok ang co-production?" sabi ni Mother Lily.

"The vouchers are ready for the lawyers of ABS to see, it's GMA Films, it's APT ni [Tony] Tuviera," paalala ni Mother Lily hinggil sa mga co-production with GMA Films—Let The Love Begin, I Will Always Love You, Mulawin The Movie, The Promise, at ang APT Films (Txt).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sina Malou [Choa-Fagar] handang mag-witness that this is a co-production. Ang pinirmahan ni Angel, mga solo production ng Regal."

Kung bibilangin, nakakatatlo pa lang si Angel: Sigaw, Mano Po 3, at Mano Po 5. May lima pa siyang pelikula na dapat gawin, ayon sa kontrata.

"Ang sabi sa akin ni Becky bago sila umalis sa States, pagbalik nila, ang priority nila will be our movie with Dennis Trillo. Pero bakit sinasabi nila ito ang last movie sa contract na pinirmahan niya?" tanong ng Regal matriarch.

Pahabol na balita, malamang nga raw na hindi na lang gawin ang pelikula nina Angel and Dennis pending sa kalalabasan ng usapang kontrata between Regal and Angel's camp.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN