Becky Aguila: "Angel loves GMA but then it's time to move on."

IMAGE 0


"It's not our intention to hurt them. We're very sorry that we hurt them and I hope in time mapatawad nila ako. And sana, in time, matanggap nila ang naging desisyon namin," says Becky Aguila about her and Angel Locsin's decision to leave GMA-7.



Pinabulaanan ng mga video na nakunan ng ABS-CBN Europe Correspondent na si Gene Alcantara at ipinalabas sa The Buzz kahapon, July 29, na hindi totoong nasa United States ang controversial young actress na si Angel Locsin, kundi nasa London at nag-aaral ng crash course on fashion design.

Samantala, isa-isa namang sinagot ni Becky Aguila ang mga naglabasang isyu tungkol sa kanyang alaga. Kasalukuyang nasa London ngayon si Becky, kasama ni Angel.



Una ay ang malisyosong item na nagpa-abort diumano si Angel nang magkarelasyon pa raw sila ng yumaong young actor na si Miko Sotto.



"That's not true," sabi ng manager ni Angel mula sa London. "That's really harsh. That time when Angel and Miko were on, she's with me. She's staying with me. I saw her day in and day out. Hindi po ganun si Angel."



Masyadong below the belt, ayon kay Becky, ang isyu na maid daw ng tatay ni Angel, Mr. Angel Colmenares, ang ina ng young actress at nabuntis lamang nito.



"Kung anuman ang sitwasyon natin sa buhay, pagdating sa puso, di ba, wala namang ano ‘yan? Whether she was or she wasn't, because I'm not really sure, it doesn't really matter. Ang importante diyan, nagmahalan silang dalawa at nabuo si Ella at si Angel. Pati parents niya dito, nada-drag, hindi maganda," paliwanag ng kontrobersiyal ding manager.



Hinamon naman ni Becky ang mga nag-aakusa na may malaswang video si Angel, kasama ang isang Japanese national.



"Sa lahat ng binabato nila sa alaga ko, siguraduhin nilang mapu-prove nila ‘yan, ha. Sige ilabas nila, hinahamon namin sila! Ipakita nga ninyo sa amin nang mapanaood namin. Huwag ninyo naman po bigyan ng kung anu-anong kalaswaan ang alaga ko. Disente po si Angel. Hindi po niya magagawa ‘yan," pagtatanggol ni Becky.



THE STARTALK INCIDENT.
Nagpahayag din si Becky sa isyu ng pagsusungit diumano ni Angel sa staff ng Startalk, ang showbiz talk show ng GMA-7, nang umalis siya papuntang Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon kay Becky, "Kasagsagan ng ano nun, e, ng mga intriga between Channel 2 and Channel 7. Instead of having like a short interview, ang haba-haba ng itinanong. Until [it] finally landed on the very delicate issue.



"'Yung cameraman [ng Startalk], ‘yung kamay ni Angel, sabi niya, ‘Kuya, tama na.' Medyo lumayo ng kaunti ‘yung cameraman tapos kumuha na naman habang naglalakad.



"‘Kuya, sige na, tama na kuha, ha?' gumanon si Angel. Then, ayaw pa ring makinig ng cameraman. Sabi niya, ‘Kuya, ha, isusumbong kita kay Tita Wilma [Galvante].' Tapos nagsalita ‘yung cameraman, ‘Trabaho lang.'



"Sabi ni Angel, ‘Sabi ko naman sa ‘yo tama na, e.' Nairita na ‘yung bata. May hangganan din naman ang pagpapasensiya natin, di ba? Nag-request na ‘yung artista na tama na, tama na. Marami ka na nakuha, e. Alam ko sumama ang loob niya, pero tao lang tayo pare-parehas, e," paliwanag ni Becky.



MONEY MATTERS. Nagbigay rin ng reaksiyon si Becky tungkol sa P60-million worth of TV projects and endorsements daw na naibigay ng GMA-7 kay Angel.



"It shouldn't be discussed in public because that's money matters," sabi niya. "Maraming commercials si Angel. Malaki ang naitulong ng GMA kay Angel. Malaki ang pasasalamat namin sa kanila. Kung anuman siya ngayon, utang na loob niya ‘yan sa GMA. Pero hindi naman puro pera-pera lang, e.



"Unfortunately, parang nagbibilangan kung anuman ang kinita ni Angel. Malaki din naman ang naibahagi ni Angel sa network at sa akin din. Nagkatulungan-tulungan."



Sinagot din ni Becky ang bintang sa kanya na siya diumano ang dahilan kung bakit na-burn-out si Angel. Pinagpapahinga naman daw kasi ng GMA-7 si Angel at si Becky ang nagbibigay ng iba pang trabaho sa young actress sa mga araw na dapat ay nagpapahinga ito.

"Hindi naman puwede na isisi sa akin. Nag-take-over lang ako sa schedule ni Angel when her contract was just about to expire, which was last March 31. Prior to that, the one handling her schedule was Artist Center [GMA-7's talent arm]. Hindi naman totoo na may six to eight weeks na rest period.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"The burn-out issue is ‘yun nga, sunud-sunod na taping, walang pahinga. Tatlo lang naman ang ginagawa ni Angel. It's either nagte-taping siya, nagsu-shooting ng movie or nagsu-shoot ng commercial. Hindi naman makatarungan na ibintang sa akin kasi ako nga ang taga-kontra, e," pahayag ni Becky.



THE LAST TO KNOW. Nilinaw rin ni Becky ang pahayag ng GMA-7 na sila ang huling nakalaam ng desisyon nila na lumipat si Angel sa bakuran ng ABS-CBN.



"The letter signified the intention of not accepting the offer from them and the same time opening our doors to ABS-CBN. We informed them," giit ni Becky.

"Angel that time is still in the States. Daddy [Angel's father] and I decided to write that letter informing Ms. Wilma Galvante. ‘Yung pinu-point out nila na mali namin, na trinaydor namin sila, hindi naman ganun ang intention doon, e. Ang intention doon, in-inform namin sila through a formal letter.

"We informed them early afternoon and then late in the afternoon we had the interview for The Buzz. So, they are the first to know," sabi pa niya.

BURNING BRIDGES. Nagpaliwanag din si Becky tungkol sa kontrata ni Angel sa Regal Entertainment.

"Hindi pa tapos ‘yung pag-uusap namin ni Mother [Lily Monteverde]. Pagbalik namin, mag-uusap kami ulit. Maayos lang namin ito.

"We don't want to burn bridges with anyone, GMA or Mother Lily. May pinagsamahan kami, e. But sometimes, you make decisions and it's a matter of choice. Sana matanggap nila ito nang maluwag," pakiusap ni Becky.

Ang ikinalulungkot ni Becky as a result ng mga pangyayari, pati na ang kanyang ibang alaga ay nadadamay. Ngunit sa kabila nito ay paninindigan daw nila ang kanilang desisyon.

"Sana hindi rin madamay ang ibang mga alaga ko. I feel bad that nadadamay ‘yung iba. The only message that Angel can give GMA right now is that she loves them, but then it's time to move on. It's not our intention to hurt them. We're very sorry that we hurt them and I hope in time mapatawad nila ako. And sana, in time, matanggap nila ang naging desisyon namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayaw na naming humaba pa ito. Sana magkapatawaran na. So that everybody can move on with their lives. And Angel can start again, start a new life, a new career, hopefully, in ABS-CBN," naluluhang pagtatapos ni Becky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN