Becky Aguila's camp refutes Wilma Galvante's claims regarding "Angels"

IMAGE 0


Controversial manager Becky Aguila (right) airs her side on GMA-7 executive Wilma Galvante's (left) statements regarding the trailer of Angels. Ms. Wilma claims they aired the trailer of the movie without pay, Becky's camp says otherwise.



Mula sa London ay nagbigay ng kanyang panig ang manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila kaugnay ng mga pahayag ng GMA-7 SVP for Entertainment TV na si Wilma Galvante tungkol sa isyu na kaya naramdaman daw ng young actress na pinabayaan siya ng Kapuso Network dahil sa kakulangan ng suporta sa pelikulang pinagbidahan at iprinodyus nito, ang Angels.

Ayon sa isang tao na mula sa kampo ni Becky, napaka-petty ng isyu na ito para palakihin at gamitin ni Ms. Wilma. Hindi raw nila akalain na ang isang executive na tulad niya ay papatol sa ganitong isyu at lelebel sa mas maliliit sa kanya.



Dagdag pa ng aming source, hindi raw totoo ang sinabi ni Ms. Wilma sa taped interview niya sa Showbiz Central kahapon, July 29, na libre ang pagpapalabas trailer ng Angels sa GMA-7.

Sa nasabing interview ay nagpahayag si Ms. Wilma: "Libre ‘yon. In fact, ‘yung movie niya na Angels, binili ng GMA ang TV rights. Ang ibig sabihin ng binili ‘yung TV rights, ‘yong movie mo later on in the future, we will air it on TV. Binili ‘yon ng P3 million, so kami ang nagbayad sa kanila. GMA ang nagbayad sa kanila."

Idinagdag pa ng GMA-7 executive na nag-cash advance na raw si Becky ng P1.5 million bilang paunang bayad sa TV rights ng Angels dahil gipit na raw ang manager ni Angel sa production cost ng pelikula.

Ngunit sa text message na ipinadala ni Becky sa aming source, mariin itong pinabulaanan ng manager ni Angel.



"You can ask Orly [Ilacad, OctoArts Films big boss] for facts. May kontrata ang TV/cable rights and he represented the sale of Angels as agent, so sa kanya mapupunta ang P1.5 million because siya ang nag-abono ng marketing expenses ng Angels, like Kodak stocks, his distributor's and checker's fee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam kung nabayaran na siya because hindi pa kami nakakapag-usap ni Orly ever since ipinalabas ang movie. Siya rin ang nagbenta ng video rights. Sa GMA una inalok ang Angels out of ethics because mga stars ng GMA ang bida sa pelikula."

Dagdag pa ng source, ang natitirang P1.5 million sa P3 million na usapan ay nasa GMA-7 daw. Ito ang nagsilbing kabayaran sa TV commercials ng Angels sa network kaya maliwanag na hindi raw libre ang pag-eere ng trailer ng Angels sa GMA-7.



TWO VERSIONS. Pinabulaanan din ng kampo ni Angel na may sinabi ang young actress sa GMA-7 na hindi siya lilipat sa ibang network. Sa interview kasi ni Ms. Wilma sa Showbiz Central ay nabanggit nito na bago pa man aminin ni Becky sa publiko na nakikipag-negotiate siya sa ABS-CBN ay tinanong na sila ng GMA-7 kung totoong lilipat si Angel, na itinanggi naman nila.

Sa isang formal meeting noong July 3 sa Makati Shangri-La ay tinanong muli ng Kapuso executives sina Becky at Angel kung lilipat nga sila sa kabilang istasyon.

"Again in that meeting, we asked both of them, Becky and Angel, ‘Nababalitaan namin, marami kaming naririnig na nakikipag-usap na kayo sa kabila. Totoo ba ‘yan?' Tapos ang sagot ni Becky, ‘Saan mo narinig ‘yan? Sinong nagsabi sa ‘yo niyan? Hindi ‘yan totoo. Walang katotohanan diyan.' And Angel even said, ‘Naku, hindi po ako lilipat. Mahal na mahal ko po kayo hindi ko kayo iiwan. Gusto ko lang magpahinga. Gusto ko lang magbakasyon. Pagbalik na pagbalik ko, kayo naman ‘yung una kong kakausapin,'" kuwento ni Ms. Wilma.

Pero ayon naman sa kampo ni Becky, hindi raw ito totoo. "She was asked kung ‘Ano, totoo ba na nakikipag-usap na kayo sa ABS-CBN? All she [Angel] said was, ‘Hindi po.' Totoo naman ‘yon dahil wala naman talaga," sabi ng isang taong malapit kay Becky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang sinasabing pag-uusap daw ni Ms. Wilma with the rest of the executives of GMA-7 kina Angel ay ang mismong meeting daw na hiningi ni Becky kay Annette Gozon, ang anak ng big boss ng Kapuso Network na si Atty. Felipe Gozon.

Naitakda ang meeting with the knowledge na ang anak ng may-ari ang makakausap nina Becky at Angel and hoping that they will get a better deal, or at least to know kung ano ang plano nila for Angel.



Nagulat na lang daw sina Becky at Angel nang biglang dumating doon ang ibang executives ng network sa pangunguna ni Ms. Wilma. Bigla raw nagsalita si Ms. Galvante sa manager ni Angel, "O, ano, Becky, manghihingi ka na naman ng increase?"



Na-turn off daw si Becky sa pagiging "unprofessional" ni Ms. Wilma. But still, naghintay sila kung ano ang mai-offer sa kanila ng mga executives sa naturang meeting. Pero wala raw inilatag na kung anumang plano para sa kanyang alaga. Hanggang sa nakaalis si Angel papuntang London, wala raw natanggap na malinaw na offer ang kampo ng young actress.

Taliwas ito sa pahayag ni Ms. Wilma na nag-offer na sila ng panibagong kontrata kay Angel bago pa man mag-expire ang kontrata niya.



UNDER FIRE? Kaugnay nito, hindi na raw nagtataka ang kampo ni Becky kung bakit lumalabas sa TV si Ms. Wilma to explain dahil "under fire" diumano ito ngayon sa GMA7. Galit na galit daw si Atty. Gozon sa kanya for mishandling Angel's contract with GMA-7. Ito raw ang dahilan why she's cleaning up her own mess.



Ayon pa sa aming source, kumakalat na rin sa GMA-7 na baka si Annette Gozon daw ang mag-takeover sa entertainment division ng Kapuso Network.

Kinuha ng PEP ang reaksiyon ni Ms. Wilma kaugnay ng ispekulasyon na galit na galit daw ang mga Gozon sa kanya, pero ayaw na raw itong patulan ng GMA-7 executive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We've said our piece on the issue and we are putting this matter to rest. Thank you," ang maikling pahayag ni Ms. Wilma sa PEP.

With additional reports from the PEP Staff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN