Ara Mina denies rumor linking her to leading man Manny Pacquiao

IMAGE 0


"Magkaibigan lang talaga kami ni Manny at taas-noo akong makakaharap kay Jinky dahil wala akong ginagawang milagro," says Ara Mina about the rumors linking her to boxing superstar Manny Pacquiao.



Bumalik ang sigla ng career ni Ara Mina pagkatapos ng ilang buwang pagtutuon ng atensiyon sa nakaraang eleksiyon para sa kandidatura ng kanyang amang si Chuck Mathay. Bigo man ang ama sa pulitika, life goes on for the sexy actress.



May intrigang kumakalat sa kanila ni Manny Pacquiao, palibhasa'y magkasama sila sa 2007 Metro Manila Film Festival entry na Anak ng Kumander. May nakakita raw kay Ara na naghihintay kay Manny sa loob ng sasakyan nitong van, samantalang si Pacman ay nakikipaglaro ng billiards sa isang lugar sa Malate.



"Saan naman nila napulot ang balitang 'yan?" nagtataka subalit natatawang sabi ni Ara. "Imbento na lang 'yan. Bakit ako magtitiyagang maghintay kay Manny habang nagbibilyar siya? Anong sense kung gagawin ko 'yon, samantalang may ibang paraan, gaya ng panonood ng sine?



"Kaso nga, walang insidenteng naghintay ako kay Manny habang nagbibilyar siya. Ang totoo riyan, nagpunta talaga kami ni Manny sa bilyaran, sa may Malate. Naglaro kami ng billiards, pero marami kaming kasama, isang grupo 'yon."



Kaya naman may ganitong balita dahil na rin sa kumakalat ang balitang si Jinky Pacquiao, misis ni Pacman, ay nai-insecure na kay Ara.



"Ay, bakit siya mai-insecure?" sabi ni Ara. "Intriga na lang 'yan. Kasi magkasama nga kami ni Manny sa isang project. The same way, inaasahan ko ring matsitsismis kami ni Sid Lucero kapag nag-umpisa na kaming mag-shooting ng Selda.'

"Going back to Jinky," patuloy niya, "akala ko nga, nagkita kami somewhere before, 'yun pala, kakambal niya 'yon. Magkaibigan lang talaga kami ni Manny at taas-noo akong makakaharap kay Jinky dahil wala akong ginagawang milagro.



"For the record, hindi ako nang-agaw man ng asawa ng may asawa. Please! Kung 'yan ang pinalabas ng ibang tao noon, kinain din naman nila ang mga sinabi nila.



"At nakita ko rin kung paano alagaan ni Manny ang pamilya niya. Wala siyang ibang bukambibig kung hindi mga anak niya, kaya bakit ako eeksena para sirain lang ang buhay nila at palabasing nanggugulo ako? Ano 'yun?" napapailing na lang na sabi ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May balita ring bukod sa down payment na ibinigay kay Ara, sige-sige ito sa kahihingi ng kung anu-ano kay Pacman.

"Bakit ako manghihingi? Ang cheap naman!" bulalas ni Ara.



"Saan ba nanggagaling ang mga tsismis na 'yan? Maski siguro si Manny, hindi alam na nagbibigay na raw siya sa akin ng kung anu-ano. That's according to tsismis, huh!



"Saka marami naman akong raket. May ipapantustos ako sa mga luho ko, 'no! Hindi naman ako 'yung tipong gastadora! May regular income ako sa Lupin at Bubble Gang, kaya mabibili ko pa rin ang gusto ko, on the side," natatawang sabi ng aktres.



Ipinagbili ni Ara ang bahay niya kamakailan para makakuha ng perang panggastos sa interior ng isang bagong property.



"Umiikot lang naman 'yung investments," sabi niya. "Hindi ibig sabihin na nabawasan na 'yung naipundar ko. Nadadagdagan lang ng bago, at para may ipang-maintain ako, puwede naman sigurong magbenta pa ako ng iba."



Lilipad papuntang Amerika any day now si Ara, pero uumpisahan na niya ang shooting para sa Selda, kung saan kontrobersyal ang papel niya bilang babaeng pumapagitna sa dalawang nag-iibigang lalaki (gagampanan nina Sid Lucero at Emilio Garcia) sa direksiyon nina Paolo Villaluna at Ellen Ramos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN