FIRST READ ON PEP: GMA-7 artist Valerie Concepcion to guest-co-host ABS-CBN's "Wowowee"

IMAGE 0


Young actress Valerie Concepcion, who is identified with GMA-7, will appear on ABS-CBN's noontime show Wowowee, as guest co-host. Also under Becky Aguila's management, Valerie's contract with GMA Artist Center expired last July 14.


Mapapanood bukas ng tanghali, August 1, ang young actress na si Valerie Concepcion sa noontime program ng ABS-CBN na Wowowee, hosted by Willie Revillame. Ito ang napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang taong malapit kay Valerie.

Ayon sa PEP source, dahil expired na ang kontrata ng young actress sa Artist Center, and talent arm ng GMA-7, noon pang July 14, hindi na niya kinailangang ipagpaalam pa sa home network niya ang pagiging guest co-host niya sa Wowowee bukas.

Ang instruction na lumabas si Valerie sa naturang noontime show ng ABS-CBN ay nanggaling daw mismo sa manager ng young actress na si Becky Aguila via text message.

Nagpunta kasi sa London si Becky, na manager din ni Angel Locsin na napipintong lumipat sa ABS-CBN. Mamayang gabi ang balik niya sa Pilipinas.

Kung wala nang existing contract si Valerie sa GMA-7, mayroon pa itong kontrata kay Becky kaya wala choice ang young actress kundi sumunod sa kagustuhan nito. Hanggang July 2008 pa ang kontrata ni Valerie kay Becky.

Ayon pa sa aming source, noon pa nire-request na mag-guest co-host si Valerie sa show ni Willie. Ngayong wala na itong kontrata sa Kapuso Network, magaganap na ang guesting nito sa Wowowee bukas.

Hindi pa nagre-renew si Valerie ng kontrata sa Artist Center at wala pa rin siyang bagong show sa GMA-7 after Sinasamba Kita.

Ang huling stint ni Valerie for the Kapuso Network ay ang guesting nito last Sunday sa "Ang Kastilyong Bakal" episode ng Mga Kuwento ni Lola Basyang. Isang buwan din siyang napanood sa fantaserye na Fantastic Man.

Napag-alaman din ng PEP na ang unang usapan ay isang beses lang magge-guest si Valerie sa Wowowee. Pero kapag maganda ang reception ng mga tao sa kanya, hindi raw imposibleng maging regular siya sa naturang show, lalo pa't tinanggal na ang isa sa mga co-hosts nitong si Roxanne Guinoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa sa aming source, ang loyalty ni Valerie ay nasa GMA-7, kung saan siya nagsimula. Pagkatapos nga niyang manganak kay Heather Fiona ay tinanggap siyang muli ng GMA-7 at muling binuhay ang kanyang showbiz career.

Napakalaki ng tinatanaw na utang na loob ni Valerie sa GMA-7 at ayaw na ayaw na pag-iisipan siya ng ibang tao na walang utang na loob. Kaya nga lang ay wala nang existing contract si Valerie sa Kapuso network. Pero may kontrata siya kay Becky kaya walang choice ang young actress kundi sundin ang kagustuhan ng kanyang manager.

At the same time, napakaimportante kay Valerie ang trabaho dahil siya ang breadwinner ng kanyang pamilya. Siya rin ang solong bumubuhay sa anak niyang si Heather Fiona.

Pagbalik na pagbalik ng Pilipinas ni Becky, inaasahang makikipag-usap si Valerie tungkol sa kanyang showbiz career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN