Jolo Revilla happy that his mom Lani Mercado and Rosanna Roces reconciled

IMAGE 0


Jolo Revilla (middle) is glad about the reconciliation of his mother Lani Meracdo (left) and Rosanna Roces (right), grandmother of his son Gab.


Pagkatapos ng guesting ni Jolo Revilla sa taping ng daily morning show ng ABS-CBN na Boy & Kris kahapon, July 31, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor. Kinuha namin ang reaksiyon niya sa pagbabati ng kanyang ina na si Lani Mercado at ng lola ng kanyang anak na si Rosanna Roces sa birthday party ni Cristy Fermin sa Metrobar last July 23.



"Siyempre, masaya dahil hindi na katulad ng dati na may pressure, medyo complicated. At the same time, siyempre may communication na nangyayari. Kumbaga, maayos na lahat. Mabuti naman. Sana tuluy-tuloy na," masayang pahayag ng pangalawang anak nina Lani at Bong Revilla.



Paano niya nalaman ang pagbabati ng Mommy niya at ni Osang?



"Nasa bahay ako. Nag-text sa akin ang Mama ko, ‘Magkatabi kami ni Tita Osang mo kanina.' Tapos tumawag ako sa kanya. ‘Mabuti naman,' sabi ko. Dapat nagpunta ako doon," lahad ni Jolo.

Nagkita na ba sila ng Tita Osang niya pagkatapos ng pakikipagbati nito sa kanyang ina ?

"Hindi pa. Ngayon, mamaya," sagot ng binatang ama.

Nagulat ba siya sa biglang pagbabago ni Osang?

"Oo, nagulat ako. Siyempre sino ba naman ang hindi matutuwa?" aniya.



Nag-uusap na ba ng madalas ngayon ang kanyang ina at si Osang?



"Hindi naman, siguro it will take time," sagot niya. "Siguro darating din ‘yon doon. Siguro it will take time. Alam ko darating naman ‘yon doon."



Pero ayon kay Jolo, ang ina ng kanyang anak na si Grace Adriano at ang kanyang sariling ina ay dati na raw nagtatawagan at nagte-text sa isa't isa.



"Kumbaga, ngayon si Mama at si Grace, nag-uusap na sila. Minsan, si Mama ang nagti-text. Kinukumusta rin si Grace. Wala naman. Madalas tungkol sa anak ko, kay Gab. Tapos ngayon, after this [taping], I‘ll go straight to their house. Pupuntahan ko si Gab," sabi ni Jolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang relasyon nila ngayon ni Grace?



"Okay kami. Nag-uusap po kami."



Kinumusta rin namin kay Jolo ang non-showbiz girlfriend niya.



"Ako? Wala, wala," bulalas niya. "Wala akong girlfriend ngayon. Hindi nagwu-workout, e. Mas okay siguro na single ako."



Posible kayang balikan niya si Grace?



"Hindi natin masasabi siyempre, may boyfriend siya, e," tila may himig ng panghihinayang na sabi ni Jolo.



Pero mahal pa rin ba niya si Grace?



Hindi malaman ni Jolo ang isasagot niya. Nang finally ay makapagsalita na siya, sinabi niyang, "May anak kami. Wala akong sinasabing mahal ko pa rin siya, pero hindi naman siguro basta-basta mawawala ‘yon."



"Only time can tell," ayon kay Jolo sa posibilad na magpakasal sila ni Grace. Basta sa ngayon, masaya raw sila't walang problema, lalo na't nahihiram naman niya si Gab.



Meron pa ba siyang ibang wish?



"Wish ko sana tuluy-tuloy na ang pagkakasundo. Sana maayos na lahat, pati ‘yung kay Nanay Lolit [Solis] at kay Tita Osang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN