Three blessings for Raymond Lauchengco and wife Mia Rocha

IMAGE 0


"I don't know what kind of father would I make. Pero I am very, very excited," says Raymond Lauchengco about the arrival of his first baby with wife Mia Rocha.



Sobrang blessing daw ang natatanggap ni Raymond Lauchengco nitong taon na ito.

Una, magiging first time daddy na siya sa October. Dalawa't kalahating taon na silang kasal ng kanyang asawang si Mia Rocha, pero ngayon lang daw sila mabibiyayaan ng anak. Hindi raw nila inasahan ito dahil gusto muna sana nilang ma-enjoy ang kanilang pagiging mag-asawa.

"But of course, who would say 'No' to a blessing? I am just a little scared. I don't know what kind of father would I make. Pero I am very, very excited," sabi ng ‘80s matinee idol.

"Its eighty percent girl, well, ‘yon ang sabi ng ultrasound. I have always wanted a girl," masayang sinabi ni Mia.

Ikalawang blessing daw nilang mag-asawa ay ang paglipat nila sa kanilang bagong bahay. Unti-unti na raw nilang inaayos ito. Punumpuno ng excitement ang dalawa habang binubuo nila ang bago nilang tinitirhan, higit sa lahat ang magiging baby's room ng kanilang panganay.

Ang ikatlong ikinaka-excite naman ng singer ay ang kanyang pagbabalik-showbiz. Nai-record na niya sa Viva Records ang isang bagong album na talagang malapit sa kanyang puso.

Mga kantang sumikat noong dekada otsenta ang laman ng album, pero mala-Tony Bennett daw ang hagod ng kanyang boses sa mga awitin.

Matagal-tagal nilang inisip ang album na konsepto ng kanyang asawa.

"The title of the album is Full Circle. Come to think, I am identified with ballad songs like 'Saan Darating ang Umaga' and 'So It's You', so bakit hindi ko i-maximize ang pagkanta ko ng ballad? Kumbaga, balik-ballad ako. And after twenty years, balik-Viva ako. this is where I pretty much started, so talagang full circle," sabi ni Raymond.

Dumaan din sa kuwentuhan namin kung paano naging icon si Raymond lalo na sa tuwing darating ang panahon ng graduation. Di ba't ang kanta ni Raymond na "Farewell" ang madalas na kinakanta magpahanggang ngayon sa mga commencement exercises?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm so proud to say that there's a school in Hawaii that would sing that song during graduations. Grabe, kasi it's way beyond me. Hindi na ako ‘yon, it's the song ang talagang malaki. Hindi nila alam na it's a Filipino who wrote and who sang that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN