Karel Marquez's boyfriend is deadringer for model Will Devaughn

IMAGE 0


"My boyfriend right now is a real deadringer to Will. They really look alike. Skinhead din siya like Will and they have the same body type, height and skin color. Kapag naka-side view siya, you would really think that he's Will," says Karel Marquez (right) about her present boyfriend, who looks like model Will Devaughn (left).



Nag-deny ang young singer-actress na si Karel Marquez sa balitang boyfriend niya ngayon ang model na si Will Devaughn.



Sinabi ni Karel na hindi na siya nagugulat sa mga naglabasang balita dahil ang present boyfriend niya ay malaki ang pagkakahawig kay Will.



"My boyfriend right now is a real deadringer to Will," sabi ni Karel, without mentioning his name. "They really look alike. Skinhead din siya like Will and they have the same body type, height and skin color. Kapag naka-side view siya, you would really think that he's Will."



Ang nakakatawa pa raw ay magkaibigan si Will at ang boyfriend ni Karel. Kaya noong kumalat ang balitang may relasyon ang dalawa, pinagtawanan lang daw nila ito dahil nakabiktima na naman daw ng maraming tao ang boyfriend ni Karel na look-alike nga ni Will.



"I used to hang out din with Will because nagkakasama kami sa mga shows and other events. We're close naman talaga. Pero I met nga my boyfriend who happens to be Will's friend din.



"Ako mismo, nagulat kasi para silang twins. Kaya siguro other people think na si Will ang kasama ko. I asked nga my boyfriend kung puwede magpatubo na siya ng buhok para hindi na sila maging magkamukha ni Will. He just laughed at my suggestion," natatawang kuwento ni Karel.



Samantala, nakarating na rin kay Karel ang magandang sinabi ni Jeremy Marquez sa kanya. Dati kasing manliligaw ni Karel ang anak ni Joey Marquez, pero hindi niya ito sinagot.



Sabi ni Jeremy ay happy siya for Karel sa natagpuan niyang boyfriend.



"I heard nga that Jeremy said that he was happy for me and my lovelife. Well, likewise I hope he's happy with his lovelife kung meron na nga siyang girlfriend ngayon," sabi naman ni Karel.



Last time daw na nagkausap sila Jeremy at Karel ay noong April pa. Nagkita na lang daw sila ulit noong Kapusolympics last July sa Marikina Sports Complex. Itinanggi rin ni Karel na she snubbed Jeremy noong araw na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"That's not true," diin niya. "Nagbatian kami at maraming nakakita. Hindi na kami nakapagkuwentuhan pa because we were on different teams. Okay naman kami ni Jeremy kahit na hindi kami nagkatuluyan. I think we're better off as friends na lang."



Isa si Karel sa hosts ng musical reality show ng GMA-7 na Coca-Cola Ride To Fame: Yes To Your Dreams. Co-host niya rito si Drew Arellano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN