TV host Raymond Gutierrez leaves acting to twin brother Richard

IMAGE 0


"Ayoko na, gusto ko na lang hosting. Si Richard na lang ang aarte. O kaya sa commercial," says Raymond Gutierrez about returning to acting.



Ibang landas ang tinatahak ng kambal ni Richard Gutierrez na si Raymond Gutierrez sa mundo ng showbiz.

Pulos puri ngayon ang natatanggap ni Raymond dahil sa kanyang kagalingan sa hosting sa showbiz talk show ng GMA-7 na Showbiz Central. Hindi lang basta puri, hinahangaan din siya ng viewers dahil napaka-professional niya, lalo na nang panahong sunud-sunod ang kontrobersiya sa kanyang Ate Ruffa Gutierrez at mother na si Annabelle Rama.

Bilang host, hindi siya sumawsaw sa issue na kinakasangkutan ng kanyang pamilya at never siyang nag-side or personal comment sa kung ano ang nasa saloobin niya about the issues.

"I know my job, I am there as a host," humble na sagot ni Raymond during the presscon ng fashion show na RRRampa For A Cause na conceptualized nilang tatlo nina Ruffa at Richard, na gaganapin on September 16 sa Rockwell Tent.

"Kung may personal opinion man ako sa issue, sinasabi ko na lang sa kanila personally sa bahay namin, never sa Showbiz Central. Kasi nandoon naman ako hindi para magbigay ng personal opinion ngunit para mag- host."

Ayaw raw ni Raymond na makisawsaw sa issue kahit na pamilya na niya ang may kontrobersiya.

‘There is a time to comment, certainly not in Showbiz Central," sabi niya.

Paano kung siya naman mismo ang magkaroon ng kontrobersiya, papayagan niya bang makisagot ang mga pamilya niya.

Aniya, "If they want to I will not stop them, pero I think I can answer naman. I'd be very grateful to them, of course, for being behind me."

May isang tanong din sa kanya na hindi niya ba binalak umarte muli. Nagsimula ang kambal nina Eddie Gutierrez at Annabelle bilang child stars at kung ilang pelikula rin ang nagawa nila.

"Ayoko na, gusto ko na lang hosting. Si Richard na lang ang aarte. O kaya sa commercial.

"Dati marami pa akong natatanggap na offers to act, I said no to all of them. Napagod na rin yata sila sa kaka-offer," natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN