Bodie Cruz believes he'll never fill dad Tirso Cruz III's shoes

IMAGE 0


"Alam ko naman hinding-hindi ko mapapantayan ang kasikatan niya noon. Masaya na ako kahit makakalahati lang ng achievements niya," says Bodie Cruz (left) about his father, Tirso Cruz III (right).



Anak ng isa sa mga naging hari ng pelikulang Pilipino noong dekada sitenta na si Tirso Cruz III, kung hindi pa nagkaroon ng Pinoy Big Brother, baka hindi pa mapapasok si Elmo Jeremiah "Bodie" Cruz sa showbiz.

Pangalawa sa tatlong anak nina Tirso at Lynn Cruz, Bodie got his first name Elmo from Tirso's brother, the late Woody Cruz, whose real name is Elmo Jonathan. Buntis noon si Lynn noong namatay si Woody. The second name naman ay galing sa Bibliya at ang nickname niyang Bodie was from the U.K. series noon na The Professional. Graduate si Bodie ng Computer Science sa De La Salle University at 19 years of age. He is now 21.

Minsan nang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tirso, during the presscon na binigay ni Mother Lily Monteverde para kay Christopher de Leon, na lumaban noon bilang vice governor ng Batangas, at napag-usapan namin si Bodie. Nasa loob pa ng Bahay ni Kuya noon si Bodie.

Natuwa si Tirso kay Bodie na at least may sumunod na rin sa yapak niya sa showbiz. Wish niya noon na sana kahit isa man lang sa mga anak niya ay pumasok sa kanyang mundo. Although he and wife Lynn Ynchausti are very happy na rin naman na education ang naging priority ng mga anak nila.

Naikuwento namin ito kay Bodie nang nakausap namin siya two weeks ago sa Dencio's.

"Ah talaga? In fairness kay Daddy, hindi niya sinasabi sa amin na sana may sumunod sa kanya," gulat na sagot ni Bodie.

It was his love for the reality show that made him re-enter showbiz. Bodie was a member of Ang TV kids noon but stopped when he started schooling.

"Gustung-gusto ko kasi ang PBB, natutuwa ako sa show. Nang nagpatawag ng audition for the second season, nag apply ako on my own," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang kauna-unahang beses na napahiwalay ng ganoong katagal si Bodie sa pamilya niya.

"Mahirap pero I enjoyed the experience," aniya.

Ngayon, seryoso na rin si Bodie na subukan ang showbiz.

Dito namin napagkuwentuhan kung alam niya ang gaano kasikat ng kanyang ama during his heyday. Popular si Tirso bilang Pip sa loveteam nila ni Nora Aunor.

"Ay, oo naman!" bulalas ni Bodie. "Ang mga fans ni Daddy, hanggang ngayon nagpupunta sa amin. Sila ang nagkukuwento sa amin.

"Alam ko naman hinding-hindi ko mapapantayan ang kasikatan niya noon. Ako, masaya na ako kahit makakalahati lang ng achievements niya."

Sila nina Gee-Ann Abrahan, Kian Kazemi, at Mickey Perz ang magbibida sa susunod na episode ng Love Spell ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN