Aljur Abrenica wants to be close to Kris Bernal again

IMAGE 0


Now that Kris Bernal (left) and loveteam partner Mart Escudero are not on good terms, Aljur Abrenica (right) wants to take the opportunity to be close to the young actress again. "Kasi noon, nagkatampuhan kami. Matagal din kaming 'di nagkausap," he says.



Mukhang nagiging close na ulit sina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Sa naging contract signing nila para sa BNY sa Annabel's restaurant noong August 1 ay napag-alaman ni Aljur na nagkakaroon ng problema si Kris at ang-loveteam nitong si Mart Escudero.



Ayon sa balitang nakarating kay Aljur, tumigil na raw sa panliligaw kay Kris si Mart. Wala naman daw naikukuwento si Mart sa kanya o maging si Kris tuwing nagte-taping sila ng Boys Nxt Door. Napapansin lang daw niya na parang hindi nagpapansinan ang dalawa.



"May nagsabi nga sa akin na may problema sila. Hindi ko pa kasi nakakausap si Mart tungkol diyan at baka sabihin niya na chismoso ako. Lalo naman kay Kris, e, ngayon pa lang ulit kami nagiging close. Bayaan n'yo at kakausapin ko silang dalawa," sabi ni Aljur.



Samantala, itinanggi naman si Aljur na may relasyon na raw sila ng co-star niya sa Boys Nxt Door na si Rich Asuncion. Parati raw kasi silang nakikitang magkasama at nagde-date. Pero ayon sa binata, wala raw ‘yon dahil barkada lang para sa kanya si Rich.



"Among the girls, si Rich ang naging close ko ngayon kasi siya ang ginagawang ka-loveteam ko. Hindi ko siya girlfriend kasi hindi naman ako nanliligaw sa kanya. Matatawa si Rich kasi ayaw niyang ma-link sa akin. Friends lang daw kami," banggit ng StarStruck 4 Ultimate Hunk.



Dahil nga mukhang nagkakalabuan na sina Kris at Mart, posible kayang maging close ulit sila ni Kris at ligawan niya ito ulit? Naudlot kasi ang magandang pagtitinginan nila noon dahil kay Mart.



"Gusto ko munang maging close ulit kay Kris," sabi ni Aljur. "Kasi noon, nagkatampuhan kami. Matagal din kaming di nagkausap. Ayokong namang matawag akong manunulot, di ba? Kaya okay lang na maging close ulit kami ni Kris. Bahala na kung ano ang mangyari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN