Dispute over Angel Locsin's contract with Regal continues

IMAGE 0


The camp of controversial young actress Angel Locsin continues to dispute her contract with Mother Lily Monteverde's film outfit, Regal Entertainment.



Ang Corporate Affairs ng ABS-CBN ay nagdaos ng presscon para sa manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila at ang ama nitong si Angel Colmenares kagabi, August 3. Kasama nila ang kanilang attorney na si Atty. Joji Alonso-Antonio na producer din ng MLR Films.

Ang isa sa mga naitanong kay Becky ay ang dispute sa contract ni Angel sa Regal Entertainment.

Walong pelikula ang pinirmahan ni Angel at ayon sa kampo niya, tapos na ito at naka-siyam na nga si Angel. Although isa pang pelikula ang gagawin ni Angel pagbalik niya, that with Dennis Trillo dahil nag-promise si Becky. The nine pictures are Kuya, Mano Po 3, Sigaw, Let The Love Begin, Mulawin, I Will Always Love You, Mano Po 5, Txt, at The Promise. Hindi binilang ang unang Regal Films movie ni Angel na Mano Po 2 at ang launching niyang Singles.

Ayon naman kay Mother Lily Monteverde, hindi dapat binilang ang mga co-production with GMA Films (Let The Love Begin, I Will Always Love You, and The Promise) at APT Films (Txt) kung kaya't tatlo pa lang daw ang nagagawa ni Angel—Mano Po 3, Sigaw, at Mano Po 5.

Ayon kay Atty. Joji, binasa niya nang paulit-ulit ang contract ni Angel at walang nakasaad doon na hindi bilang ang co-production ventures. Walong pelikula lang daw ang nakasaad, hindi binanggit kung aalisin ang mga co-production.

Mag-uusap pa ang attorneys nina Angel at Mother Lily on how to interpret the contract.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN