Judy Ann Santos is not affected by other stars' talent fee

Aug 5, 2007
"Masaya naman ako sa trabaho ko, masaya ako sa kung ano ang meron ako ngayon. Hindi na ako naghahanap ng sobra pa. Kung ano ‘yung ibibigay sa akin ng Diyos, buong-puso kong tatanggapin," says Judy Ann Santos.


Sa thanksgiving party na ibinigay ng GMA Films at Viva Films para sa tagumpay ng horror film na Ouija, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga stars nito na si Judy Ann Santos. Tinanong namin ang young superstar kung totoo ba ang lumabas na balita na three times ang itinaas ng talent fee niya sa bagong kontratang pinirmahan niya sa ABS-CBN na tatagal hanggang 2009.

"Times three ang work!" natatawang sagot ni Judy Ann.

Naitanong namin ito kay Juday dahil naibalita, although hindi pa makumpirma hanggang ngayon, na triple diumano ang offer na talent fee kay Angel Locsin kaya lumipat ito sa bakuran ng ABS-CBN.

Hindi ba magrereklamo si Juday kung sakaling totoo ito?

"Hindi!" bulalas niya. "Wala akong ganun, hindi na ako gumaganun. Kasi baka naman sabihin ng Diyos, ‘Sobra ka na anak, meron ka namang sarili, bakit gusto mo pang angkinin ‘yung sa iba?' Di ba?

Continue reading below ↓

"Hayaan na natin ‘yon. Kumbaga, masaya naman ako sa trabaho ko, masaya ako sa kung ano ang meron ako ngayon. Hindi na ako naghahanap ng sobra pa. Kung ano ‘yung ibibigay sa akin ng Diyos, buong-puso kong tatanggapin.

"Pero ‘yung para mainggit at magtaray para sabihing ‘Bakit siya ganito? Bakit ako hindi?', wala sa ugali ko ‘yun. Hindi na si Juday ‘yon. Baka na-possess na ako kung sakaling umakyat ako sa mga boss ko na ‘Bakit si churva ganyan?' Hindi puwede ‘yon," paliwanag niya.

Read Next
Read More Stories About
Judy Ann Santos, Angel Locsin
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Masaya naman ako sa trabaho ko, masaya ako sa kung ano ang meron ako ngayon. Hindi na ako naghahanap ng sobra pa. Kung ano ‘yung ibibigay sa akin ng Diyos, buong-puso kong tatanggapin," says Judy Ann Santos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results