PDA scholar Ronnie Liang traumatized in Washington D.C.

IMAGE 0


Pinoy Dream Academy scholar Ronnie Liang had a big scare when a group of young men fired a gun while he was jogging in Washington, D.C.



Nakatanggap ng balita ang PEP (Philippine Entertainment Portal) galing sa isa sa producers ng Pinoy Dream Academy (PDA) concert sa California kahapon ng umaga. Nagulat ang PEP sa ikinuwento ng producer na pinaputukan diumano ng baril ang PDA 2nd runner-up na si Ronnie Liang sa Washington, D.C.

Ayon daw sa kuwento ni Ronnie sa producer, nagdya-jogging daw siya bandang alas-dose ng hatinggabi sa kalsada nang may kotseng huminto sa tapat niya. Bumaba ang grupo ng kalalakihan at nagpaputok ng baril. Mabuti na lamang at pataas ang tama nito at hindi naman intensiyong barilin si Ronnie. Sa sobrang takot, kumaripas ng takbo si Ronnie at napadpad sa isang hotel (hindi doon naka-check-in ang grupong PDA).

Sa pagkataranta, unang tinawagan ni Ronnie ang kanyang manager na si George Roca na wala naman daw magagawa dahil nasa Pilipinas ito. Pinayuhan na lamang niya ang alaga na kumalma at dun na mag-check-in sa tinakbuhang hotel at tawagan ang mga kasama.

Tinext ng PEP si George upang kumustahin ang kalagayan ni Ronnie.

"Okay na si Ronnie. Medyo natatakot pa rin siya. Sa hotel na lang siya lagi. Ano man ang nangyari, tuloy pa rin naman ang show nila sa Washington."

Nakatakdang bumalik sa Pilipinas ang PDA scholars next week.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN