Raymond Gutierrez finds inspiration in his work as "Showbiz Central"

IMAGE 0


Raymond Gutierrez is happy with the high rating of Showbiz Central and that's where he'll reveal his love life when it happens.



Pangkaraniwan na para sa mga magkakapatid ang maghiraman ng mga gamit, lalo na mga damit. Dahil kambal at mahusay manamit at pumorma, tinanong PEP (Philippine Entertainment Portal) si Raymond Gutierrez kung naghihiraman ba sila ng kambal niyang si Richard.

"Actually hindi, kasi magkaiba ‘yung size namin. As you can see, I'm a bigger person. 'Tsaka we also live in different houses na, so meron na siyang sarili," sabi ni Raymond nang makusap siya ng PEP sa presscon ng RRRampa, ang benefit fashion show nila ng kanyang mga kapatid na sina Richard at Ruffa Gutierrez.

"Pero minsan, kunwari we're abroad, tapos nagsa-shopping kami together, hindi namin naiiwasan na pareho ‘yung nakukuha naming damit. So may ganun talaga, na minsan ‘yung items namin, pareho minsan," natatawang kuwento ni Raymond.

LOVELIFE & INSPIRATION. Open book sa public ang love life ng dalawa niyang kapatid na sina Richard at Ruffa. Kailan naman kaya may mababasa or may malalaman ang mga tao about Raymond's love life?

"Actually, wala, wala talaga akong ano...and it's not my priority. I don't think about it, ganun akong tao, e.

"I just don't wanna think about it, I don't wanna exert too much effort on it. So for me, happy ako sa trabaho ko, and pag may time-off ako, I hang-out with friends, I go to the gym, ‘yon. Happy na ako dun," sabi ng 23-year-old TV host.

Kung mag-a-announce na siya na may lovelife na siya, sa Showbiz Central ba niya ito gagawin?

"Oo, siyempre!" sagot niya.

Inspirado ba ngayon si Raymond?

"I'm inspired," sabi niya. "Actually, you don't need naman a specific person to be inspired. Natanong na rin sa akin ‘yan, and ‘yon nga, ‘yung mga magagandang comments, ‘yung mga positive feedbacks about my work as a host, ‘yon ang inspiration ko.

"And actually it fuels me more pag nalalaman kong unti-unting tumataas ‘yung ratings ng Showbiz Central. Kapag maraming positive comments, talagang ‘yon ‘yung nakaka-inspire sa akin. Kaya if you think about it, that's why I'm becoming better also, kasi may ganung support from the outside."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SIBLING RIVALRY. Kung isa sa mga hosts si Raymond ng Showbiz Central, nasa katapat na programa naman na The Buzz si Ruffa. Nagkokopyahan ba sila ng ideas at ng kung ano ang mga gagawin sa respective shows nila ng Ate Ruffa niya?

"Hindi," mabilis niyang tugon. "Actually, kami ni Ate, hindi naman kami ganun, kasi we also respect our shows. Alam din namin na pinaghirapan ng mga researchers ‘yon.

"Kunwari, kung mag-uusap kami, after na lang, ‘yung tapos na. Tsaka ako rin naman, hindi ko nalalaman kung ano ‘yung content ng show until I get to Broadway Centrum, kasi galing pa ako ng SOP."

Paano siya mag-prepare para sa Showbiz Central?

"Actually, what I do now, I read the newspaper throughout the week. So pagdating ng Sunday, more or less, alam ko na ‘yung mga nangyayari. Kasi before, I used to not read tabloids and newspapers. Pero now, talagang I do my homework.

"Dapat, more or less, throughout the week, alam mo na ‘yung ipi-feature, alam mo na ‘yung big issues. So, dapat paghandaan mo ‘yun kung gusto mong maging strong sa katapat mo, kung gusto mong mas maganda ‘yung feature mo. Dapat talaga pinaghandaan ‘yung ganun," huling pahayag ni Raymond.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN