Ruffa Gutierrez will not deprive Yilmaz Bektas of their children

IMAGE 0


"Nami-miss nga ni Lorin (right) si Yilmaz. She feels sad because ang alam niya mag-isa lang ang Daddy nila sa bahay. E, our house is so big, so nalulungkot sila kasi mag-isa lang daw doon ang Daddy nila," narrates Ruffa Gutierrez.


Ginanap ang celebration ng ika-apat na taong kaarawan ng panganay na anak ni Ruffa Gutierrez kay Yilmaz Bektas na si Lorin sa Friday's restaurant sa Bonifacio High Street, The Fort kahapon, August 7. Inabutan ng TV crew mula sa The Buzz at ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa venue ang punong-abala at grandparents ni Lorin na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.



Regalo ng mag-asawa ang party for Lorin na ang birthday talaga ay noong Biyernes, August 3. Na-delay ang celebration ng ilang araw dahil busy ang buong Gutierrez family sa kanilang respective showbiz commitments noong mismong birthday ni Lorin.



Pasado alas tres ng hapon, dumating si Ruffa, kasama sina Lorin at Venice mula sa school na pinapasukan ng panganay niya. Nagbigay rin daw ng birthday treat si Lorin sa kanyang mga kaklase.



Naka-enroll si Lorin ngayon sa iba't ibang special class aside from her regular class. May ballet, piano class, at computer class si Lorin. Dahil pareho nang nag-aaral dito sa Pilipinas ngayon si Lorin at ang sister nitong si Venice, they will have to stay here until April.



Noong mismong birthday ni Lorin ay tinawagan siya ng kanyang Baba (tawag nila kay Yilmaz) sa cellphone. Doon na-realize ni Ruffa na miss na miss na ni Lorin ang kanyang ama.



Gusto ni Yilmaz na regaluhan ng pony si Lorin on her birthday dahil mahilig ang bata sa kabayo. Naloka naman si Ruffa dahil wala naman siyang paglalagyan ng maliit na kabayo, if ever, at kailangan pa niyang maghanap ng farm para rito. Kaya bumili na lang siya ng toy na pink pony para kay Lorin.



Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin alam ng mga anak ni Ruffa ang situwasyon nila ni Yilmaz. Ang alam lang nila ay nasa magkaibang lugar ang parents nila at si Yilmaz ay naiwan sa bahay nila sa Istanbul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nami-miss nga ni Lorin si Yilmaz. She feels sad because ang alam niya mag-isa lang ang Daddy nila sa bahay. E, our house is so big, so nalulungkot sila kasi mag-isa lang daw doon ang Daddy nila," natatawang kuwento ni Ruffa.



Ayon pa kay Ruffa, puwede naman daw dalawin ni Yilmaz ang mga bata. She always anticipates na anytime ay darating sa Pilipinas si Yilmaz para dalawin ang kanyang mga anak. Hindi naman daw ipagkakait ni Ruffa si Yilmaz pagdating sa kanilang mga anak.

Pero nang tanungin namin si Ruffa kung ano ang gagawin niya sakaling hiramin ni Yilmaz ang mga bata o hilinging makipagkita sa ibang bansa, sagot niya: "Well, I'll cross the bridge when I get there."



Kumpleto ang mga kapatid na lalaki ni Ruffa sa birthday party ni Lorin. Dumating ang kambal na sina Richard and Raymond (na kasama ang best friend na si Nicole Anderson), nandun sina Rocky, Elvis, at Ritchie Paul. Present din ang half-brother nila na si Ramon Christopher, kasama ang tatlong anak niya kay Lotlot deLeon.



Bitbit din nina Jackie Forster, Sharmaine Arnaiz, Ana Roces, Almira Muhlach, Shirley Kuan (Donna Cruz's manager), and Donita Rose ang kani-kanilang mga anak. Dumaan sandali si Maricel Laxa at sabay na umapir sa party ang nagkabalikan nang sina Rufa Mae Quinto at Erik Santos.

Samantala, nagsimula na noong Lunes ang teleseryeng kinabibilangan ni Ruffa, ang Kokey, sa ABS-CBN. Okay lang daw kay Ruffa kahit hindi siya ang original choice for her role, na unang inalok kay Alma Moreno. Ruffa plays wife to Redford White and mother to Julia Barretto.



Dahil sa busy schedule ni Ruffa, tumatakas na lang daw siya ng pag-alis sa bahay para hindi mapansin ng mga bata dahil tiyak na hahabulin siya't pipigilang umalis.



"Naku, even sa school hindi ko sila hinahatid dahil ayaw nilang magpaiwan! What can I do? I have to work for them," diin ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood sa The Buzz ang buong kaganapan ng 4th birthday celebration ni Lorin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN