Valerie Concepcion: collateral damage in GMA-7-Becky Aguila feud?

IMAGE 0


Valerie Concepcion knew nothing about her manager's decision to transfer Angel Locsin to ABS-CBN, nor that she would be affected by it. "But if totoo nga ‘yon na nadamay ako, nakakalungkot," says the latest Wowowee co-host.



Nagkaroon ng exclusive interview ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa young actress na si Valerie Concepcion kagabi, August 6, sa pictorial niya para sa isang glossy magazine.

Kinumusta namin kay Valerie ang pagtatrabaho niya bilang co-host ng noontime show ng ABS-CBN na Wowowee.

"Masaya. Actually masaya, kasi, di ba, dati ko pa naman sinasabing dream come true ko ‘yung paghu-host? So masaya, nag-e-enjoy ako," nakangiting pahayag ni Valerie.

"Actually, mababait din naman ‘yung mga staff. Sina Ate Mariel [Rodriguez], sina Kuya Willie [Revillame], okay naman. Mababait din naman sila, e."

Matatandaang pagkatapos mag-expire ng kontrata niya sa GMA-7 last July 14 ay inilagay siya ng kanyang kontrobersiyal na manager na si Becky Aguila sa noontime show ni Willie Revillame sa Kapamilya Network.

Ano ang initial reaction ni Valerie nang mabalitaan niyang maghu-host siya ng Wowowee at lilipat na siya ng ABS-CBN?

"Medyo nag-aalangan ako, dahil nga siyempre, I know that I have Fantastic Man [sa GMA-7] nung time na ‘yon. So medyo alanganin na parang, ‘Okay lang ba ‘yon? Lalabas ako sa ABS?' Parang ganun.

"Pero at the same time, medyo natuwa din kasi dati ko pa nga gustong mag-host, so parang, wow! Mabibigyan ako ng chance na mag-guest, parang gano'n. So at least, parang ma-try ko siya kahit once lang. Iyon ang nasa isip ko no'n."

Kahit tapos na ang kontrata ni Valerie sa GMA-7 ay isinama pa rin siya sa Fantastic Man. Pero biglang pinatay ang character niya sa nasabing fantaserye dahil sa paghu-host niya sa Wowowee ng ABS-CBN.

Ang paglabas ni Valerie sa ABS-CBN ay sanhi ng kontroberisyang idinulot ng paglipat ng isa pang alaga ni Becky na si Angel Locsin sa kalabang network ng GMA-7. Sa madaling-salita ay nadamay si Valerie at ang iba pang mga alaga ni Becky sa desisyon na lumipat ng network si Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam ni Valerie tungkol dito?

"Siyempre, nakakalungkot," pag-amin niya. "Kasi unang-una, hindi naman talaga ako...hindi ko naman alam ‘yung plano nila. I mean, wala talaga akong alam, hindi ko iniisip na nadamay ako. But if totoo nga ‘yon na nadamay ako, nakakalungkot. Nakakalungkot na wala naman akong kinalaman do'n tapos gano'n, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN