PEP EXCLUSIVE: GMA-7 says they had no top-level meeting with Becky Aguila and Mr. Colmenares

IMAGE 0


GMA-7 SVP for Entertainment TV Wilma Galvante at the presscon of Marimar: "Everything happens for a reason and there are more important things to do than dwell on the past."



Walang meeting na naganap between Becky Aguila and GMA-7 President and CEO Attorney Felipe Gozon and his daughter Annette Gozon-Abrogar, GMA Film President .

May ilang press ang kinabahan nang magsalita si Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7, bago magtapos ang presentation ng Marimar launch last night, August 7, sa Studio 3 ng GMA complex.

Inumpisahan niya kasi ang speech niya as something "personal" daw, taliwas sa mga previous statements niya na palaging in behalf of the network.

Wala namang sinabi si Ms. Galvante patungkol sa issue ng GMA Network at ang former star nitong si Angel Locsin, na una na ring napabalita na dapat na gaganap na Marimar. Instead, Ms. Galvante extolled the adage that "everything happens for a reason and there are more important things to do than dwell on the past."

Kamakailan ay nagpahayag na ang GMA management na tapos na para sa kanila ang issue between GMA and Angel. Kaya wala na ring naglakas-loob na magtanong kay Ms. Galvante about one of the most intriguing questions addressed to Becky Aguila noong presscon ng ABS-CBN last Friday, August 3. Sinabi ng isang editor, na ayon sa kanyang napagtanungan, ang ama ni Angel Locsin na si Angel Colmenares, at ang attorney nilang si Joji Alonso-Antonio, ay nakipag-meeting raw sa presidents ng GMA Network at GMA Films. Totoo ba?

Nag-"no comment" si Becky.

During the press con of Marimar, nilapitan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga heads of the Entertainment TV ng GMA-7 to inquire kung may meeting nga bang nangyari sa pagitan ng dalawang kampo o wala.

"Wala raw, sabi ni Annette," sagot ng Entertainment TV head na ayaw na munang magpa-pangalan dahil baka sabihin na sumasagot na naman ang GMA-7 regarding the issue.

"Saka that's too much naman. Dapat sa level lang ni Ma'am Wilma puwedeng makipag-usap sina Becky bilang manager. Ang taas naman noon na pati sa president ng GMA ilalapit pa ang issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagtataka lang kami kung bakit hindi sinagot outright ni Becky na wala namang meeting na nangyari, bakit nag-‘no comment' pa? It's a 'yes' or 'no' lang naman ‘yon. And if they were asked for details, saka niya puwedeng sabihin 'no comment,'" sabi pa ng GMA-7 executive.

Naglakas-loob ang PEP na humabol kay Ms. Galvante para tanungin kung may meeting ngang nangyari.

"Wala," sagot ni Ms. Galvante nang diretso. "Tineks ko agad si Annette, ‘O, nag-meeting daw kayo ni Becky.' Ang sagot niya sa akin, ‘No, she's lying.'"

Balitang sina Becky ang nanghingi ng meeting kina Atty. Gozon and Ms. Annette regarding the issue of Jennylyn Mercado, ngunit hindi raw ito napagbigyan. So, walang nangyaring meeting prior to the ABS-CBN presscon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN