Dingdong Dantes dedicates himself to leading role in "Marimar"

IMAGE 0


Dingdong Dantes was the unanimous choice of GMA-7 for the role of Sergio Santibañez in Marimar.



Napakaguwapo ni Dingdong Dantes sa bagong primetime series na Marimar. May katotohanan ang naging introduction sa kanya ng GMA-7 president Atty. Felipe Gozon that Dindong is the perfect leading man for Marimar ( Marian Rivera), and the unanimous choice to portray the role of Sergio Santibañez.



Kapansin-pansin kay Dingdong ang kutis na sun-tanned, sa personal at sa trailer na ipinakita sa grand presscon ng Marimar, kagabi, August 7, sa Studio 3 ng GMA-7. Kinuwento ni Dingdong sa presscon ang matinding dedication at effort niya sa bagong project.



"Nagbilad talaga ko sa beach. Siguro mga a week before ng taping namin. Bago ng pictorial, mga two days siguro. Simula noon, hindi na siya natanggal. Kapag may free time sa taping namin, ginagawa ko, swimming-swimming, masaya...



"Although sa pagpapayat, talaga namang nagpapayat ako, pero mas dumoble pa ang effort ko dahil nga rito sa Marimar. Siguro ang masasabi ko, ang ginawa ko, nagpalit ako ng diet. More on gulay at saka isda. Okay naman siya, kasi madali na kong mabusog, e," kuwento ni Dingdong.



CHEMISTRY WITH MARIAN. Kitang-kita rin na may chemistry na kaagad sila ni Marian.

"Alam n'yo, bago pa lang kami mag-taping, we made it a point na maging maganda ‘yung samahan namin. Hindi lang sa aming dalawa ni Marian kundi maging sa dalawang directors [Joyce Bernal and Mac Alejandre]. Kasi sa kanila kami huhugot ng mga kailangang gawin, mga emosyon. So, kinakailangan na ‘yung communication lines namin, open. Para tanggap namin kung ano ang mga adjustment, kaya naming gawin. So, ‘yon ang ginawa namin before taping.



"What you see is, I believe na namunga talaga kung ano ‘yung ginawa namin sa mga workshops kasi it shows on air. Wala kaming mga inhibitions sa isa't isa at kailangan talaga ‘yon.

"Alam ninyo si Sergio, mahal na mahal niya si Marimar. So, hindi ko puwedeng hindi ilabas ‘yon and I'm glad na, so far, its going on smoothly."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puwede niya bang sabihin na anumang bonding or chemistry na nakikita sa kanila ni Marian ay pang-on-camera lang talaga?

"Well, you know, ang masasabi ko lang, it's a very important project for me. Simula nang matanggap ko, hanggang sa kailan siya magra-run, ako, I dedicate myself on being Sergio. Kapag makikita mo ako, makikita mo si Sergio," pahayag ni Dingdong.

KARYLLE. Aware na rin si Dingdong na may mga naglalabasang balita tungkol sa relasyon nila ni Karylle. Nagkakalabuan na raw sila dahil kay Marian.

Posible nga bang pagselosan ni Karylle ang mga eksena nila ni Marian, pati na ang bonding that they have even off-cam sa taping na kadalasan ay out-of-town at sa isang beach?

"Sana hindi...sana hindi," sagot ni Dingdong. "Kasi wala namang problema ngayon. Sana we get respected kung anuman ang mga individual na ginagawa namin. Like siya [Karylle], she's concentrating na sa ngayon sa paggawa ng album niya na malapit na. Kakatapos lang din ng pelikula niya.

"Ako rin, I'm dedicated in doing this [Marimar]. So I hope, huwag nilang lagyan ng masamang kulay. And I hope, the respect sa aming mga individual na ginagawa," pakiusap pa niya.

Ayon kay Dingdong, supportive naman ang girlfriend niya sa bago niyang project. Wala rin daw dahilan para i-assure pa nila ang isa't isa na trabaho lang ang ginagawa nila.

"Hindi naman kailangan ng assurance," diin niya. "Kasi, like what I've said, we are both dedicated [to] our work and with what we are doing. So, kahit siya, kung may ginagawa siya, alam kong dedicated siya and I let her be. So, ganoon din sa akin."

Naitanong din ng PEP kay Dingdong ang tungkol sa pag-o-audition ni Karylle sa Marimar. Kung siya ba ang may choice, mas gugustuhin niya ba na sana ay kay Karylle napunta ang role ni Marian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, I believe kasi na things are meant for different people at alam ko talaga na mas gusto niya [Karylle] ang ginagawa niya ngayon, at iyon ang sigurado ako," sagot ng young actor.

IMPRESSED WITH MARIAN. All praises si Dingdong kay Marian. Ayon sa kanya, dati pa niyang napapanood at na-impress na siya nang gumanap si Marian bilang ina sa Super Twins.

"Madalas napapanood ko siya noon sa Super Twins. ‘Yung character niya roon, palaging inaapi kasi, siya ‘yung mother ng kambal. Versatile kasi siya, palagi siyang may emotional scenes at nagagawa niya nang tama.

"Ibang Marian ang nakikita ko roon. Sa SOP, iba rin, sumasayaw siya. Pero nang mag-Marimar siya, talagang parang may total transformation na nangyari sa kanya. Na-imbibe niya talaga ang pagiging Marimar. Ayokong sabihin ang pagiging Thalia, pero ang pagiging Marimar."

Masasabi ba niyang kawalan ni Angel Locsin ang hindi pagkakatuloy nito na gumanap as Marimar?

"Hindi," sagot ni Dingdong. "Masasabi ko na suwerte ni Marian, pero ayokong sabihin kawalan ni Angel."

Aware ba siya na si Angel sana ang dapat na leading lady niya sa Marimar?

"Narinig ko rin...narinig ko rin. Pero gaya nga ng sabi ni Ma'am Wilma [Galvante], everything happens for a reason. Kung anuman ang nawala, definitely ay may kapalit. At sa tingin ko, kung anuman ang kapalit na ‘yon, e, mas karapat-dapat sa bagong Marimar," pahayag niya.

Sa tingin niya ba'y mas bagay talaga si Marian sa role na Marimar?

"Masasabi kong mas karapat-dapat dahil sa tadhana talaga...pinagtagpo talaga siya ng tadhana. The future and the past, baka iba siya. I think, perfect timing talaga ito for her."

LOYAL KAPUSO. Si Dingdong din ang masasabing isa sa pinaka-loyal Kapuso stars. Simula pa noong mag-simula siya sa T.G.I.S., hindi na nga umalis ng GMA-7 si Dingdong.

Hindi ba naisip ni Dingdong kahit minsan na lumipat ng network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong mga bandang una pa, even before they signed me up, there was an offer, I was doing pa naman shows in ABS noon, pero mga semi-regular. Pero bukod doon, wala na. Feeling ko, GMA talaga ko all throughout."



Puwede niya bang sabihin na dahil sa loyalty na rin?

"Loyalty plus trust," bulalas niya. "Loyalty kasi, may kasamang trust ‘yan. Hindi ka puwedeng maging loyal kung wala kang pinanghahawakan. Kailangan may trust ka. I trust them and I think, they trust me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN