Kris Bernal-Mart Escudero-Jenica Garcia love triangle heats up

IMAGE 0


Although Kris Bernal (inset) and Mart Escudero are being groomed as a team, the young actor is reportedly has his eyes set on Impostora co-star Jenica Garcia (in photo, with Mart).



A teen love triangle is about to erupt kina Kris Bernal and Jenica Garcia over Mart Escudero.

Si Kris ang naging katuwang ni Mart sa StarStruck 4 Ultimate Pair early this year. Si Jenica naman ang ka-partner ni Mart sa soap opera na Impostora.

Nang patapos ang StarStruck 4, balitang nagkakaroon ng love triangle sina Kris, Mart, and Aljur Abrenica, na siya namang nanalong Ultimate Hunk. Kris reportedly favored Mart over Aljur at inamin ni Mart na nagsimula na rin siyang manligaw kay Kris.

Sa presscon ng Impostora noon, nabanggit ni Mart na sana raw ay nakasama rin si Kris sa soap. Hindi niya pa nakakatrabaho noon si Jenica dahil hindi pa sila nagte-taping na magkasama that time.

Biglang-bigla, napabalitang huminto sa panliligaw si Mart kay Kris at balita ring nagtampo si Kris kay Mart dahil dito. Nanliligaw na pala si Mart kay Jenica kung kaya't hininto niya ang panliligaw kay Kris.

Pinatotohanan ito ng direktor ng soap na si Maryo J. de los Reyes sa finals ng Circle of 10 nang mag-comment ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na napakalakas ng on-screen chemistry nina Yago (Mart) at Karen (Jenica). Ang sagot ni Direk Maryo, kahit off-screen, sabay tawa.

Nagkita sina Kris, Mart, at Jenica last Sunday, August 5, sa SOP. Magkakasama silang nagsayaw together with the other young stars of GMA-7. Si Jenica ang nakatambal ni Mart at si Aljur naman ang kay Kris.

Backstage, while nag-hi and hello naman daw sina Kris and Jenica, ramdam na ramdam daw ang cold shoulder treatment ni Kris kay Jenica. Pero dahil civil pa rin naman daw, nothing untoward happened.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN