StarStruck grad Sheena Halili is not yet ready for FHM

IMAGE 0


"Hindi ko po kaya. Baka akalain ng readers ng FHM, galing sa Barney and Friends ang model!" jokes StarStruck Avenger Sheena Halili about posing for FHM.



Sa mga original StarStruck girls, nai-launch na sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, at Nadine Samonte. Tinututukan na rin sina Katrina Halili at Cristine Reyes.

Now comes Sheena Halili na after Joyride two years ago at Majika last year ay nire-rediscover ng GMA-7 via Marimar.

Si Sheena ang gumaganap na Monica, ang kaibigan ni Angelika (Katrina Halili), sa Marimar. Sexy ngayon si Sheena, may ibang aura na rin.

Nakausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sheena Monday night pa lang sa surprise birthday party ng EP ng kanyang soap Kung Mahawi Man Ang Ulap, kung saan may participation din siya.

Biniro namin siya kung siya na ba ang susunod na StarStruck girl na magpapa-sexy kahit sa pictorial man lang for FHM.

"Naku, hindi po!" gulat na sagot niya sa amin. "Wala akong boobs, wala akong balak magpadagdag. Ang payat-payat ko."

Magsi-sexy clothing si Sheena sa Marimar, why not sa pictorial?

"Hindi ko po kaya. Baka akalain ng readers ng FHM, galing sa Barney and Friends ang model!"

Barney and Friends is a kids' show about a violet dinosaur and real-life children.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN