Ruffa Gutierrez aghast over idea of posing sexy

IMAGE 0


Ruffa Gutierrez burst out when asked if she would pose sexy for FHM, "Ayoko! Because first of all, parang I don't need to. Why? My gosh! Hello! Hindi naman bagay sa akin. Baka sabihin ng mga tao, ‘Si Ruffa, napaka-TH naman, ha?! Naghiwalay lang, nagwala na!'



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ruffa Gutierrez ay naikuwento niya na wala siyang intimate scenes with her leading man na si Jay-R sa pelikulang Desperadas.

"Sa awa ng Diyos, wala! Maloloka ako, hindi ko gagawin!" natatawang sabi ni Ruffa. "Nakalagay sa contract ko with my endorsements na bawal magpa-sexy, tsaka bawal ang mga ano—like bawal manigarilyo, bawal ang mga seductive na ano, bawal ang sexy scenes.

"Kaya ang dami ko na ngang tinanggihan na men's magazines, ‘no!" pahabol pa niya.

Nag-offer na ba sa kanya ang FHM, lalo ngayon na single siya ulit at hiwalay na sila ni Yilmaz Bektas?

"Dyusko, inaway-away nga dati ni Yilmaz ‘yung isang editor, ‘no! ‘Wag ka na lang maingay," sagot ni Ruffa.

Si Ruffa rin mismo ay ayaw mag-pose sa mga sexy magazines.

"Ayoko! Because first of all, parang I don't need to. Why? My gosh! Hello! Hindi naman bagay sa akin. Baka sabihin ng mga tao, ‘Si Ruffa, napaka-TH naman, ha?! Naghiwalay lang, nagwala na!'

"I want my kids to be proud of me, especially...Okay, of course we've done stupid things in the past. Pero now that I know... I have kids, I have to be careful with what I do," paliwanag niya.

Ngayong lumalabas na sa commercials at magazine covers ang mga anak ni Ruffa, sina Lorin at Venice, magtutulouy-tuloy na rin kaya ang mga ito sa showbiz?

"Hello, bagets pa sila! Papaalam ko muna kay Yilmaz," sabi ni Ruffa.

Ang kaso, di ba, ayaw ni Yilmaz na mag-artista ang mga anak nila?

"Kunwari lang ‘yon!" pambubuking ni Ruffa. "Pag galit, ayaw niya, pag hindi naman siya galit, gustung-gusto naman niya. Panay ang rewind niya ng tape ng Nido commercial, ‘no! Dyusko, pinapanood niya every single minute! Proud siya, teary-eyed nga siya. So, 'pag galit magtago ka na; 'pag mabait, mabait naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, excited na si Ruffa sa nalalapit na "RRRampa For A Cause," a benefit fashion show, nila ng mga kapatid niyang sina Richard at Raymond Gutierrez sa Rockwell Tent sa Makati on September 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN