Comedienne Eugene Domingo wants to play character roles

IMAGE 0


"I have nothing against comedy, pero kung ako nga ang tatanungin, mas gusto ko na makaganap sa mga character roles. Kaya ayokong limitahan ang sarili ko sa pagpapatawa lang. Pero so far, iyon ang mga projects na dumarating sa akin," says Eugene Domingo.



Binista ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng bagong fantaserye ng ABS-CBN, ang Kokey, sa San Francisco del Monte, Quezon City kahapon, August 8.



Sa kabila ng malakas na ulan, sumige ang direktor na si Wenn Deramas para makunan ang mga importanteng eksena nina Eugene Domingo, Ruffa Gutierrez, Redford White, Megan Young, at ang mga batang sina Julia Barretto, Joshua Cadelina, at Rhap Salazar.



Nakakuwentuhan ng PEP si Eugene at inalam namin sa mahusay na komedyanteng nagsimula sa lehitimong entablado kung nakikita na ba niya ngayon ang masasabing susunod sa kanyang yapak. Nang pumaimbulog kasi si Eugene at madalas na makasama si Ai-Ai delas Alas, marami ang nagsabi na siya ang susunod sa yapak ni Ai-Ai.



"Nag-iisa lang ang Ai-Ai delas Alas," sabi ni Eugene. "Hindi mapapalitan ‘yon. Iba si Ai-Ai. Hindi ko makakaya ‘yon. Saan naman ako pupunta para sundan ang yapak ko? Wala kasi akong maisip, e. Alam ko naman sa sarili kong ngayon pa rin lang naman ako talagang napapansin. Kaya waiting na lang kung sinuman ang susulpot pa o susunod. Pero para ako ang magsabi, wala talaga akong maisip."



SANDARA PARK.
Nabanggit namin kay Eugene ang Koreanang komedyante na si Sandara Park. Kung meron sigurong nasa liga ni Sandara, sa edad at sa kapasidad, malamang na maging junior Eugene din ito.



"E, umalis na nga si Sandy. Ni hindi na kami nagkapaalaman. Nalungkot naman ako dun kasi nag-set din naman siya ng trend. Ni hindi ko man lang nakausap, nakaalis na pala," turan ni Eugene sa naging co-star niya sa D' Lucky Ones.

"Para sa akin, ang tingin ko sa kanya, isang survivor, e. Hindi ko panghihinayangan na nagdesisyon siyang bumalik na lang sa bayan niya kasi alam kong makakapag-move on siya doon at baka nga mas marami pa siyang magawa sa naging desisyon niya.

"Kasi, she's a real trouper, e. She can bloom where she is planted. Kaya kung nakausap ko siya, isa lang ang ia-advise ko sa kanya: mas tapangan pa rin niya ang loob niya and accept the things that come her way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



STILL HUMBLE.
Marami naman ang pumupuri kay Eugene dahil kahit na raw maganda na ang tinatamasa nito bilang isa sa pinakapopular at pinaka-in demand na comedienne ngayon, nananatili pa rin ang pagiging humble niya.



"Realistic lang ako. Noon, ang talagang gusto ko lang gawin when I took up Theater Arts in UP—yes, magkasama kami doon ni Candy [Pangilinan]—gusto ko lang gumanap sa mga character roles. E, nung magkasama kami ni Direk Wenn, nanonood kami ng mga plays, ng mga pelikula, minsan pinasama niya ako sa isang taping niya sa ABS-CBN. Pina-extra ako. Tapos nung sumalang na ako sa Hanggang Sa Dulo ng Walang Hanggan as Simang, nagtuluy-tuloy na ito.

"I have nothing against comedy, pero kung ako nga ang tatanungin, mas gusto ko na makaganap sa mga character roles. Kaya ayokong limitahan ang sarili ko sa pagpapatawa lang. Pero so far, iyon ang mga projects na dumarating sa akin. Kaya nag-e-enjoy din ako sumalang sa mga indie movies [like in Pisay)."

Natural na ba kay Eugene ang pagiging komedyana niya?



"Siguro in time, na-develop na rin. Dahil na rin sa mga nakasama ko," sagot niya.



Sa Kokey, siguradong kagigiliwan na naman si Eugene sa karakter niya bilang ex-girlfriend ni Redford White na laging makaka-confront ni Ruffa Gutierrez, na siyang misis ni Redford.



"Ang alam ko, hindi na ito [Kokey] ibinase sa dating pelikula with the same title. May mga pagbabago ng ginawa sina Direk Wenn para maipakita rito ‘yung kuwento ng pagkakaibigan at samahan ng pamilya. May comedy at may dramatic moments din."

LAUNCHING MOVIE. Nabanggit ni Direk Wenn sa PEP na pinaghahandaan na nito ang launching movie ni Eugene bilang solong bida at sa Viva Films niya raw ito gagawin. Ano ang masasabi ni Eugene dito?



"Sinabi niya talaga ‘yon?" gulat na tanong ni Eugene. "Wala pa akong alam diyan. Ang alam ko lang, meron kaming ginagawang movie ngayon under Viva Films [4-in-1] na kasama ko sina Rufa Mae Quinto, Candy Pangilinan, and Pokwang. We're supposed to shoot nga in Hong Kong this weekend, pero dahil sa hindi maganda ang panahon, baka next week na kami lumipad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kung sakaling dumating na nga ang plano ni Direk Wenn para sa kanya, meron ba siyang iniingatang dream project sa isip niya?



"Siguro, gugustuhin kong makagawa ng pelikulang magiging all-time classic ba. ‘Yung habang tumatagal, kahit paulit-ulitin mo siya ng pagpapalabas, nandun pa rin ‘yung mensahe na hindi maluluma kailanman."



LOVELIFE. Kapansin-pansin din na kapag tinatanong si Eugene about her love life, zero ang lagi niyang isinasagot.



"Kasi, wala," sabi niya. "Mabuti pa ang lupa, nakikita niyo, basang-basa sa ulan. Ipinagdasal lang siya [ang ulan] nung Linggo, eto na, bumubuhos na. Isa ‘yan actually sa dream project ko, ang magka-love life.

"Pero kuntento naman ako in being alone for the now, kasama ang three dogs ko na sina Shakespeare, Praise, and Coco. Hindi ko na actually iniinda ang mga bagay na ‘yan, ‘yang may kinalaman sa puso. Kasi kung meron ngayon, hindi ko rin mabibigyan ng panahon, e. Career pa rin siya."



Kailan ba siya huling nagka-boyfriend?



"College pa ako. Ten years ago," sagot niya.



Parang hindi kapani-paniwala...



"Oo nga!" giit niya. "I've been living independently with my three dogs for a long time na. I'm 36 now. Ang wish ko, sana before ako mag-40, meron na akong baby. Pero siyempre, para mangyari ‘yon, kailangan meron kang partner. Kung saka-sakali na mangyari na, gugustuhin kong maging full-time mom. Gusto ko kasi pag nagka-baby ako, ‘yung every second of every minute ng baby ko, nakikita ko hanggang sa lumaki siya.



"Now, okay lang ako. It's not my first prayer in the morning na ‘Lord, give me a lover.' Ang prayer ko bago ko ipikit ang mata ko to sleep and in my every waking hour is, ‘Thank you, Lord, para sa work ko, na nakagising ako, na wala akong sakit...' Ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN