Jake Cuenca dislocates shoulder while taping "That's My Doc!"

IMAGE 0


"This is the third time na nangyari ito... Sabi naman ng trainer ko sa gym, I need lang ‘yung tamang therapy para sa braso ko, ‘yung tamang galaw at hindi ako puwedeng magbuhat ng mabigat," says young actor Jake Cuenca about the dislocation of his shoulder joint.



Sa ikatlong pagkakataon ay naaksidente na naman ang young actor na si Jake Cuenca habang nagtatrabaho.



Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng bagong sitcom ng ABS-CBN na kinabibilangan ni Jake, ang That's My Doc! sa Studio 10 ng ABS-CBN kagabi, August 8, habang kasagsagan ng malakas na ulan. Tampok sa sitcom sina Aga Muhlach with Precious Lara Quigaman, Pokwang, Ms. Nova Villa, Bayani Agbayani, at Roderick Paulate.



Special guests for the said episode sina Rustom Padilla at Ogie Diaz. Ginagampanan nila ang mga mistah na kasama ni Roderick, na gumaganap sa karakter ni Major Ret.

May isang eksena kung saan biglang pumasok sa pintuan si Jake na ikinabigla nina Roderick, Rustom, at Ogie sa eksena, at naiwan ang kamay ng young actor sa may pintuan.



Na-dislocate na naman ang buto sa kanyang kanang balikat. Ilang segundong nataranta ang mga kaeksena ni Jake nang mamilipit ito sa sakit dahil nga sa naramdaman na naman niyang parang natanggal ang buto sa kanyang kanang braso mula sa hugpungan nito.



Agad na ipinatawag ang isang masahistang nasa studio para maibsan ang kirot na dinaramdam ni Jake ng mga sandaling ‘yon. Nang medyo okay na si Jake at hindi naman kinailangang isugod sa ospital, kinausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor.

Kitang-kita namin sa monitor sa studio kung paanong kinaya ni Jake ang sobrang sakit na hindi niya ininda para matuloy lang ang kanilang eksena. Halos lumabas na rin ang nagngangalit na ugat sa braso niya.



"This is the third time na nangyari ito," sabi ni Jake. "Una, sa Sana Maulit Muli, tapos sa Lovespell. Sabi naman ng trainer ko sa gym, I need lang ‘yung tamang therapy para sa braso ko, ‘yung tamang galaw at hindi ako puwedeng magbuhat ng mabigat."

Tinanong namin kung bakit hindi siya sa orthopedic specialist magpatingin, lalo na't pabalik-balik pala ang dislocation ng balikat niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nagte-therapy na ako. Kaya lang natigil ‘yon noon dahil naging busy ako sa mga commitments ko. Pero this time, I'll make it a point na talagang tutukan na ito. Natakot din ako. Akala ko, hindi na siya mababalik," pahayag ni Jake.



"I know nagpapabaya rin ako," patuloy niya. "Pero sa naramdaman kong pain at takot kanina, I don't wanna experience the same feeling again."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN