Marian Rivera and Dingdong Dantes reveal each other's favorite body parts

IMAGE 0


"Siguro gusto ko sa kanya ‘yung ano...lahat kasi maganda, e! Sa mukha ni Dong, gusto ko lahat, yung kabuuan ng mukha niya," answers Marian Rivera when asked what part of Dingdong Dantes's body she likes best.



Sa presscon ng Marimar last Tuesday night, August 7, ay naitanong kay Dingdong Dantes kung ano ang pinakagusto niyang parte ng katawan ng kanyang leading lady na si Marian Rivera. Ayon kay Dingdong, ang pinakagusto nito kay Marian ay ang "ilong at boobs" ng young actress.

Nang si Marian naman ang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay hiningi namin ang reaksyon niya sa sinabi ni Dingdong.

"Ha? Sinabi niya ‘yon? Nakakaloka naman ‘yon!" natatawa at tila gulat na reaksyon ni Marian.

Si Marian naman ang tinanong ng PEP kung ano ang parte ng katawan ni Dingdong ang pinakagusto niya.

"Siguro gusto ko sa kanya ‘yung ano...lahat kasi maganda, e! Sa mukha ni Dong, gusto ko lahat, ‘yung kabuuan ng mukha niya," sabi ni Marian.

Sa katawan?

"Siguro ‘yung chest at shoulders niya," sagot niya.

Ano sa tingin ni Marian ang pinakamalaking pagkakapareho nila ni Thalia na original Marimar sa Mexican version nito?

"Magaling sumayaw."

Pinakamalaking pagkakaiba ni Marian at ni Thalia?

"Hindi ko alam. Hindi ko pa naman kasi siya nakikita or nami-meet nang personal, kaya hindi ko masasabi. Siguro na lang, Mexicana siya at Filipino-Spanish ako," natatawa niyang sabi.

All natural ba ang body parts ni Marian?

"Oo naman!" mabilis niyang sagot. "Siguro, may mga pagbabago lang na... nagpa-hair extension ako, nagpapayat ako, nagpaitim ako. ‘Yung mga ganun lang."

Totoo bang months before the Marimar launch ay itinago ng GMA-7 si Marian sa publiko?

"Hindi naman tago," paglilinaw niya. "Siguro ni-ready lang nila ako dito sa Marimar, para hindi naman ako pakalat-kalat. Para ma-curious ‘yung mga tao na, ‘Ay. ano kayang hitsura niya ngayon?' Ganun lang siguro ‘yung gusto nila. Para matakam lang naman ‘yung iba."

Ano ang feeling na sa pagganap niya bilang Marimar ay sinasabi na ang dami niyang nalampasan na iba pang young female stars ng GMA-7 na mas nauna pa sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nalampasan? Hindi naman po siguro. Siguro ako lang ‘yung binigyan ng pagkakataon, at sa akin siguro nila nakita ‘yung gusto nilang kunin or gusto nila as Marimar," sabi ni Marian.

Sa Monday, August 13, ang pilot episode ng Marimar sa GMA-7. Ano ang una niyang gagawin paggising niya sa araw na iyon?

"Paggising ko, nakangiti ako," sagot niya. "Kasi tuwing gigising ako sa umaga, lagi akong naka-smile, e. Gusto ko, pag gumising ako, ‘Hayyy... Lord, another day na naman, thank you!'"

Pero may pressure na ba siyang nararamdaman ngayon na nalalapit nang ipalabas ang kanyang first solo-starrer?

"Sobra, sobrang malaki!" pag-amin niya. "Kasi ako, ginawa kong lahat. Hindi ko alam kung ano'ng magiging impact sa mga audience. So sana, tangkilikin nila.

"Kasi lagi kong sinasabi, kung ‘yung Mexican nga na [Marimar] tinangkilik nila, why not ‘yung Pinoy? E, ito ‘yung mga taong Pinoy na pinagaganda pa lalo ang isang project para sa kanila," nakangiting pahayag ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN