Aga Muhlach turns 38 as showbiz career spins upward

IMAGE 0


Aga Muhlach is still one of the country's most sought-after leading men. The actor, who will turn 38 on August 12, has a movie coming up, A Love Story, co-starring Maricel Soriano and Angelica Panganiban. He is also currently shooting his first movie with 22-year-old Anne Curtis.



Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan noong Martes, August 7, ang simula ng shooting ng kauna-unahang pelikula na pagtatambalan nina Aga Muhlach at Anne Curtis tentatively titled Waiting For Your Love sa direksyon ni Joey Reyes under Star Cinema. Natawa na lang si Aga nang sabihin namin sa kanya na isang magandang senyales ang ulan na magiging blockbuster ang movie nila ni Anne.



Dahil bagong pelikula, bago rin ang hairstyle ni Aga sa movie nila ni Anne. Mas bumata ulit ang hitsura ni Aga dahil sa bago nitong haircut, na bumagay naman sa personality ng young actress na si Anne.



Habang naghihintay ng una niyang eksena sa set ng Waiting For Your Love, na malamang si Gary Valenciano ang kumanta ng theme song, tinanong namin si Aga kung paano niya ise-celebrate ang kanyang 38th birthday sa August 12.



"May trabaho ako nun, e. Umaga nasa ASAP ‘07 na ako para mag-promote movie namin. Guest din ako sa The Buzz, and then mall show ako sa gabi," sabi ni Aga.



Kung may magaganap man na party or simpleng dinner, hindi raw alam ni Aga. For sure, may surprise para kay Aga ang kanyang mga mahal sa buhay for his birthday.



Kinabukasan, after his birthday, taping naman si Aga para sa That's My Doc!. Martes ang premiere night ng A Love Story. And then, lilipad na papuntang U.S. si Aga para sa international screening ng movie nila nina Maricel Soriano at Angelica Panganiban.



From Honolulu, Hawaii, didiretso na si Aga sa Las Vegas, Nevada, para sa grand opening ng bagong Jollibee branch. Magbabakasyon muna si Aga ng dalawang araw sa Hawaii bago siya umuwi ng Pilipinas.



Pagbalik niya ng bansa, saka lang ulit magre-resume ng shooting si Aga para sa movie nila ni Anne.

Samantala, nag-last airing na ang lifestyle show sa ABS-CBN ng misis ni Aga na si Charlene Gonzalez na At Home Ka Dito last Sunday. Ayon sa executive producer ng show na si Jasmine Palmera, naging maluwag naman daw ang pagtanggap ni Charlene sa pagkawala ng kanyang show. Tumakbo rin sa ere for six years ang show ni Charlene and it's about time na mag-venture siya ng ibang career path.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nakatakda ring umalis this month si Charlene papuntang Amerika. Kukuha siya ng crash course on real-estate management sa Harvard University. Gagamitin ni Charlene ang napag-aralang kurso sa itatayong real-estate business nila ni Aga.

Ayon kay Aga, tatagal for at least two weeks ang pag-aaral ni Charlene sa U.S. Nagsimula na ring maghanap ng bakanteng lote si Charlene sa Cebu na puwedeng i-develop into a more profitable business.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN