Sheena Hallili on ex-bf Rainier Castillo: "He was special to me before."

IMAGE 0


"May pinagsamahan naman kami and that is the only thing I can say about him," says Sheena Halili about former boyfriend Rainier Castillo.



May non-showbiz guy raw na idine-date ngayon ang StarStruck 1 Avenger na si Sheena Halili, pero ayaw niya munang mag-commit sa isang relasyon. Kahit hindi aminin ni Sheena ay tila nagkaroon siya ng trauma sa pakikipagrelasyon niya kay Rainier Castillo.



Hindi na nabalik ang dating closeness nina Sheena at Rainier nang mag-break sila two years ago. Kapag nagkikita raw sila sa mga shows ay deadma si Sheena kay Rainier. Unlike noon na super sweet sila during their StarStruck days.



Hindi na lang namin inungkat ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa dahil nakiusap si Sheena na kalimutan na lang daw iyon. Iniyakan daw niya ‘yung chapter na iyon ng buhay niya, kaya ayaw na raw niyang maulit sana iyon.



"Kahit naman hindi na kami close ni Rainier, wala naman akong sasabihing masama tungkol sa kanya. Tama lang na deadmahin ko na lang siya, di ba? Kapag tinatanong nga ako, wala akong sinasagot regarding our breakup. Matagal na kasi ‘yon, e," sabi ni Sheena sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Marimar.



Pero kahit ganun ang kinahantungan ng relasyon nila ni Rainier ay kinu-consider pa rin daw ni Sheena na "special" ang young actor sa kanya.



"He was special to me noon. At least, naging special siya, di ba?" tawa niya.

"May pinagsamahan naman kami and that is the only thing I can say about him. He was special to me before. ‘Yun na lang."



Bumalik sa regular school si Sheena. Ngayon ay first year college na siya sa Angeles University Foundation taking up Tourism. Kaya naman daw pagsabayin ni Sheena ang school at taping niya ng Marimar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN