Valerie Concepcion and Jennylyn Mercado take different paths

IMAGE 0


The showbiz career of Valerie Concepcion (left) and Jennylyn Mercado (right) took a different turn after their manager, Becky Aguila, decided to pull out Angel Locsin from GMA-7 and move to ABS-CBN.



Naiyak si Valerie Concepcion habang kinakantahan si Becky Aguila ng Spice Girls song na "Mama" during their guesting sa morning show nina Boy Abunda at Kris Aquino na Boy & Kris kahapon, na ipalalabas kaninang umaga sa ABS-CBN.



Aminado si Valerie na naging mother-and-daughter talaga ang relasyon nila ng manager niyang si Becky nang bumalik siya sa showbiz, pagkatapos isilang ang kanyang anak. Hindi pinangatawanan ng kanyang boyfriend ang pagiging ama ng kanilang anak at iniwan si Valerie nang nag-iisa.



Pagkatapos ng guesting nila sa Boy & Kris, nakipag-meeting si Becky sa business unit head ng Wowowee, si Ms. Cynthia "Mama Bear" Jordan, para sa pirmahan ng kontrata ni Valerie bilang isa sa co-hosts ni Willie Revillame.

Tinext namin si Mama Bear hinggil sa kontrata ni Valerie at sumagot siya: "Wala pa po kaming pirmahan. Nag-meeting lang kami regarding her contract. Anytime now [pipirma]." Formality na lang daw ang kailangan para sa hosting ni Valerie sa Wowowee.

Masaya si Becky dahil sa magandang takbo ng career ni Valerie, pero nalulungkot naman siya sa nangyayari sa isa pa niyang alaga na si Jennylyn Mercado.



Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin silang alam kung ano ang plano ng GMA-7 kay Jennylyn. Nabanggit ni Becky na nagparating ang GMA-7 camp na gusto nilang makausap si Jennylyn pero sa kondisyong hindi kasama si Becky.

Balitang ngayong araw makikipag-meeting si Jennylyn kasama ang ina-inahan niyang si Mrs. Lydia Mercado sa GMA-7 executives na sina Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV, at Yda Henares, head ng Artist Center.



"Okay lang naman sa akin na wala ako doon. Kaya lang, kailangan ko ring magpasama kay Jen ng representative ko. Para at least, kung anuman ‘yung sabihin nila sa bata, e, aware rin ako kahit papano. Maybe I can send on my behalf my attorney [Joji Alonso]," sabi ni Becky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN