FIRST READ ON PEP: Wilma Galvante says Angel Locsin should move on

IMAGE 0


"Don't waste her time," GMA-7's SVP for Entertainment TV refers to former Kapuso star Angel Locsin's plan to visit her former employers to bid goodbye formally. Ms. Wilma Galvante says Angel should have done it before moving to ABS-CBN.



Sinabi ni Becky Aguila sa presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN last August 3 na kapag bumalik ng Pilipinas ang kanyang talent na si Angel Locsin, isa-isa nitong kakausapin ang mga executives ng GMA-7 para makapagpaalam siya nang maayos.



Dumating na kaninang madaling-araw mula sa Los Angeles (Flight PR 103) si Angel. Ang pagdalaw nito sa GMA-7 ang inaabangan ng mga sumusubaybay sa kuwento ng biglaang pag-alis niya sa television network na nagbigay sa kanya ng malaking break sa TV at entertainment industry.



Kahapon, August 8, pumirma ng exclusive contract sa GMA-7 si Ehra Madrigal, ang talent ni Annabelle Rama na kasama sa magtatapos nang Lupin.

Ginanap ang contract signing sa 16th floor board room ng GMA-7. Kasama sa contract signing ang mga executive ng GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, at Ms. Wilma Galvante.



Alam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na ayaw nang magsalita ng mga executives ng GMA-7 tungkol sa paglipat ni Angel sa ABS-CBN, pero sinamantala namin ang pagkakataon. Tinanong ng PEP ang reaksyon ni Ma'am Wilma sa balita na pupuntahan siya ni Angel para makapagpaalam nang maayos.



Gaya ng dati, malumanay at punumpuno ng diplomasya ang pagsasalita ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7.



Ayon kay Ma'am Wilma, huwag nang sayangin ni Angel ang oras niya. Noon pa sana niya ginawa ang kanyang plano bago sila nagdesisyon ni Becky na lumipat sa ABS-CBN. Muling inulit ni Ma'am Wilma ang salita na dapat nang mag-move on si Angel.



Ipinaliwanag ni Ma'am Wilma na kapag nakipag-usap sila kay Angel, puwedeng i-claim ng kanyang kampo na pinatawad na siya ng GMA-7 sa ginawa nila ni Becky. Kung hindi naman siya haharapin ng mga executives ng network, maaaring sabihin ng kanyang kampo na inapi siya.



Reading between the lines, malinaw ang mensahe ni Ma'am Wilma para kay Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN